Nagsimula na ang palabas, hindi ko pa din mapigilan ang titigan si sab,. unti unti kong nakikilala ang pagkatao ni sab, sobrang bait nya sakin,. hindi ko alam kung broken hearted lang sya sa ex nya o talagang gusto nya din ako,. pero kahit ano pa man ang reason, mahal ko na talaga sya,. at di ako magsasawang ligawan sya araw araw,.
matapos naming manood, niyaya ko syang pumunta sa seaside, at di nya naman iyon tinanggihan, at doon kung saan tanaw namin ang malawak na dagat, kung saan itinapon nya lahat ng hinanakit nya sa boyfriend nya, ay nagsimula kaming magkwentuhan, kung saan ang tema ng kwentuhan ay ang kanikanilang mga buhay.
Sab: jheff di ba sabi mo sakin madalas ka dito tumambay?
Ako: ou sab! lalo na pag may problema ako.
Sab: ano2x ba mga problema mo that time?
Ako: (nagulat ako sa tanong nya, di ko alam kung pano ko sasabihin na lumayas lang ako samin) ahh ehh,. ganito kasi un sab, (ayoko magsinungaling kay sab, sabi ko sa isip ko) problema sa pamilya sab, minsan kasing nakagawa ako ng kasalanan sa mga magulang ko, binugbog ako ng tatay ko, at sa sobrang inis ko dahil ako lang naman ang binubugbog nya ng sobra saming magkakapatid, lumayas ako sa bahay, at dito ako napadpad sa manila. naiinis kasi ako sa tatay ko ee, kung bakit ganon na lang nya ko pagbuhatan ng kamay, minsan tuloy naiisip ko na ampon ako,.
Sab: ang lupit naman pala ng nangyari sayo,. pero sana kahit ganon, wag mo pa din sana kalimutan na utang na loob mo pa din sa kanila ang buhay mo,.
Ako: oo naman, mahal ko pa din sila, kaya lang ilang taon na kong hindi nagpaparamdam sakanila, nahihiya kasi ako humarap sa kanila dahil sa nagawa kong pag layas,.
Sab: may sasabihin ako sayo jheff.
Ako: ano un sab? sige lang, sabihin mo lang,.
Sab: ang totoo kasi ng pagkakapadpad ko dito sa manila, ay hindi dahil sa Boyfriend ko,. lumayas din ako saamin tulad mo, problema din sa pamilya,.
Ako: bakit? ano ang dahilan mo?
Sab: may kaya kasi ang family ko, pero unti unting naubos ang yaman ng papa ko dahil sa pagkalulong nya sa sugal, kaya nabaon sya sa utang sa mga kalaban nya sa sugal,. at dahil malaki ang utang nya, ipinagkasundo ako ng papa ko sa anak ng kalaban nya,. isang araw, umuwi sya sa bahay, bakas sa mukha nya ang kalungkutan tinawag nya kami ni mama, saka nya ipinagtapat sa amin ang buong storya, na ganon nga daw, tinatanong nya si mama at ako kung payag kami sa desisyon ni mr. chua,. (mr. Chua ang taong pinagkakautangan ni papa ng 23 million pesos)
sa pagpapatuloy. . .
nagkatinginan kami ni mama at bakas sa mukha nya ang nakakaawang pagkakatitig sa akin,. pero tanging iling lang ang naisagot ko sakanya sabay takbo sa kwarto ko habang lumuluha pa,.
Ako: anong sabi sayo ng mga magulang mo? (pansin kong naluluha na si sab sa kwento nya kaya inalo ko sya)
Sab: wag jheff, baka di ko mapigilang umiyak (tinanggal nya ang kamay ko na humihimas sa kanyang likod) sinundan nila ako sa kwarto ko at si papa naman ay sumisigaw sa labas ng kwarto,.
sabi nya: patawarin mo ko sabrina, hindi ko alam ang ginagawa ko,. patawarin mo ko natakot lang ako sa banta nyang papatayin nya ako at kayo pag di ako nakabayad sakanya,.
Ako: anong sabi mo?
Sab: di ako sumagot, mga ilang minuto lang, narinig kong naguusap sila ng mama ko at unti unting humihina yung boses nila,. papunta sila sa kwarto nila,.
Ako: Sensya ka na sab aa,. grabe pala pinagdaanan mo,. so anong ginawa mo? at anong sabi ng BF mo?
Sab: nag txt ako that time sa BF ko,
sabi ko: bhie! magkita tayo sa glorietta lalayas ako dito sa amin,.
nagreply sya: bakit bhie? anong nangyari?
sabi ko: maya ko na lang ipaliwanag sayo,.
nagreply sya ulit sabi nya sige daw,. kaya naman nagmadali na ako magimpake ng mga damit ko, pero isang backpack lang ang pinuno ko ng damit ko at nagmadali ako umalis ng bahay, at dahil nasa kwarto nila sila mama at papa, di nila namalayan na umalis ako ng bahay,.
Ako: tapos? anong nangyari nung nagkita kayo ng BF mo??
Sab: ito pa lang, ikwekwento ko pa lang,. excited ka naman ee,. ayun nga, nagkita kami sa glorietta ikinwento ko sakanya ang mga nangyari, sabi ko pa sakanya itanan nya na ako kasi kung hindi, lalayas na lang ako mag isa..
Ako: anong sabi nya sayo?
Sab: mas lalo ako naiyak sa nasabi nya,.
sabi nya: Sab! mahal kita, pero di pa ako handa magsama tayo, hindi pa permanente ang trabaho ko, nagaaral pa ko, sumusuporta pa ako sa family ko,.
Ako: anong sabi mo?
Sab: nilayasan ko sya,. at ang masakit don, di nya ko hinabol.
Ako: Aw!! grabe naman yun! kung ako yun, di kita pakakawalan,. teka! baka may iba sya kaya di ka nya nagawang habulin?
Sab: yun nga din ang naisip ko, kaya nag espiya ako sakanya ng ilang araw, unang araw pa lang ng pagmamasid ko sakanya, may nakita akong kasama syang babae pag labas nya ng building sa pinagtatrabahuhan nya,. pero di muna ako nag hinala,. kaya sinundan ko sila, pag dating sa pangalawang kanto, nag hintay sila ng jeep, sumakay sila,. sinundan ko ung jeep na sinakyan nila, huminto ito sa may malibay, at pumasok sila sa looban, pero di na ko sumunod, nagtataka lang ako kung sino ang pupuntahan nila don, o baka doon nakatira ang babaeng kasama nya,. kinabukasan, araw ng sahod, kinontak ko sya, nagbakasakali ako na baka makahiram ako sakanya ng pera, pero sabi nya di daw nya ko mapapahiram, kasi may bibilhin daw sya para sa mama nya,. after non, tinuloy ko yung pageespiya sa kanya,. inabangan ko ulit sya sa labas ng building nila, pero andun ako sa kabilang kalsada, katapat kasi ng building nila, puro kainan, may kfc, jollibee, mcdo at greenwich, nag stay ako sa jollibee sa loob, maya2x nakita ko na syang lumabas, tinext ko sya, kinamusta, nakita kong tinignan nya fone nya pero biglang dumating yung girl na kasama nya, at umalis na sila ng sabay,. tulad kahapon, sinundan ko ulit sila,. sumakay ulit sila ng jeep, at bumaba sa malibay, bago sila pumasok sa looban, nakita kong bumili si gago ng isang lechon manok, habang ung babae naman, bumili sa tindahan ng san mig light, mukang ang dami nilang pinamili para sa mama nya,. naiinis ako, gusto ko sana silang puntahan, kaso wala akong lakas ng loob, mahal ko pa kasi siya that time,. at ayokong iwan nya ko,. kaya tumawag ako sa kanya, kita ko na tinignan nya fone nya, pero pinatay nya lang ung fone. kaya that time, nagisip isip na ko,.
ako: grabe naman sya, kaya pala madalas kita makita nagiisa at laging malalim iniisip, so ano plano mo ngaun?
sab: hindi ko alam, siguro, dapat ko na talaga sya kalimutan.
ako: siguro nga, wag ka mag alala, life must go on, makakahanap ka din ng para sayo. so yun pala dahilan kaya ka andito sa manila.
sab: oo, at sana, wala na iba pa makaalam nito, hindi ko alam bakit ang gaan gaan ng loob ko sayo, at nakwento ko pa buhay ko sayo.
ako: di ko nga din alam bakit ganon. baka naman ako ang makakatulong sayo.
sab: malay natin diba? God's choice.
- sorry guys kung medyo matagal yung update, busy lang sa work.
BINABASA MO ANG
PANTASYA HANGGANG KATOTOHANAN
Fantastikisang kwento hango sa aking sariling karanasan,. sana'y subaybayan nyo ang aking kwento,.