34

621 38 24
                                    

sorry ngayon lang nakapag ud. happy weekend. 💓

———

Jeonghan's

Nang sinabi agad ni Cheol na kailangan niya ko ay umalis agad ako para puntahan siya.

Wala eh, mahal ko eh.

I sighed.

Nang makarating ako sa tabi ng Han River kahit madilim ay nakita ko agad si Cheol na nakaupo at halatang malalim ang iniisip.

Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya ng tahimik.

"Lalim ng iniisip natin ah." Sabi ko, nagulat siguro siya nang nandito na ako sa tabi niya.

"J-jeonghan..." Sabi niya at tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Akala mo hindi ako pupunta no?" Ngiti kong sabi sabay tingin sa river.

"Salamat at dumating ka, Jeonghan." Mahina niyang sabi. Ngumiti lang ako.

Tumahimik saglit.

Pero maya maya binasag niya rin ang katahimikan.

"Akala ko galit ka sakin." Sabay tawa niya. Nagtaka naman ako.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Sinaktan kita, iniwan para lang sa isang babae." Sagot niya. Napatahimik lang ako.

"Pero ako pa rin pala ang nasaktan kasi kahit kasama siya, ikaw ang nasa isip ko, iniisip kong ikaw ang kasama ko sa tuwing ginagawa namin ang mga bagay na dapat ginagawa natin. Kaya nung naghiwalay tayo, ang laking panghihinayang ko kasi sobrang tanga ko. Sobrang gago ko. Sising sisi ako." Sagot niya.

"Mahal kasi kita, Cheol." Sabi ko habang pinipigilan kong hindi umiyak.

"Kahit sinaktan na kita, iniwan, ginago, minamahal mo pa rin ako. Di ko deserve ang pagmamahal mo, Han." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. He's crying.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan ito, tumingin naman siya sakin at ngumiti naman ako.

"I can't unlove you, Cheol. You're the most precious thing I've had in my entire life." Sabi ko sa kanya nang nakatingin sa mata niya.

Niyakap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya.

"I miss you, baby." Sabi niya na mas lalo pang lumakas ang iyak ko.

He kissed my head.

"Will you wait for me, Han?" Tanong niya sakin.

Tumingin ulit ako sa kanya at tumango.

Ngumiti siya sakin.

He cupped my face and wiped my tears.

"Don't cry, Hannie." Sabi niya.

He kissed my forehead, down to my eyes, down to my nose, down to my cheeks.

"I love you, Jeonghan." Sabi niya at hinalikan ako.

I love you too, Seungcheol.

———

TITANIC JEONGCHEOL VER.

YUNG NGITI NI MOMMY JEONGHAN KAY DADDY SEUNGCHEOL. 🌚🌚🌚🌚🌚

 🌚🌚🌚🌚🌚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon