89

430 27 2
                                    

Seungcheol's

Umuwi muna ako saglit para kumuha ng ibang damit at nagluto rin ako ng panandaliang ulam para makakain siya.

Bigla ko naman kinuha ang box na nakalagay sa bulsa ko at napangiti ako.

Binalik ko naman agad at nang paalis na ko nang biglang mag ring ang phone ko.

Chan is calling...
ANSWER | DECLINE

"Hello, Chan? Anong problema?"

"Hyung, si Jeonghan-hyung..."

"Bakit anong problema?!"

"Inaatake nanaman, hyung."

"Shit! Papunta na ko. Tawagin niyo na yung doktor o di kaya pakalmahin niyo!"

"Punta ka na hyung, hinahanap ka niya!"

"Oo! Shit! On the way na!"

CALL ENDED

**

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa kwarto niya.

Agad naman akong lumapit sa kanya. "Jeonghan?" Tawag ko sa kanya.

Nakita ko naman siyang nakangiti at mukhang maayos ang lagay, "Okay ka na? Inaatake ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman ako ah?" Sagot niya.

"P-pero..." Sabi ko sabay tingin kay Chan. Nag peace lang ito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako nag utos sa kanyang gawin yun." Sabi niya.

"Pinag-alala mo ko!" Sabi ko at niyakap siya.

"Sorry na, namiss kasi kita agad eh." Sabi niya sakin at niyakap ako pabalik.

Tumingin naman ako sa kanila at sinenyasan munang lumabas saglit.

Nang makalabas na sila, hinawakan ko ang kamay ni Jeonghan.

Ngumiti ako sa kanya, "Jeonghan, mahal na mahal kita."

Ngumiti naman siya pabalik, "Mahal na mahal din kita, Seungcheol."

"Alam ko dapat hindi ko pa 'to gagawin kasi alam kong hindi ka pa ready pero ayoko nang mawala ka pa sakin, ayokong maghiwalay tayo, ayokong pakawalan ka pa. Alam ko, niloko na kita noon at sobra sobra kong pinagsisihan ang kasalanang 'yon. Please, lumaban ka. Kung hindi mo kayang lumaban mag isa, tayong dalawa. Lalaban tayong dalawa. Lalaban nating yang sakit mo." Sabi ko. Napaluha naman na si Jeonghan sa mga sinasabi ko.

"Kaya ngayon.." Sabay kuha ng box sa bulsa ko. "Gusto ko ngayong araw na 'to, masasabi kong ikaw na ang soon-to-be-wife ko." Napatawa naman kami.

Ipinakita ko sa kanya ang singsing na nagpaiyak sa kanya lalo. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Yoon Jeonghan. Will you marry me?"

Tumango naman siya. "Y-yes..." Sabi niya at lalo pang napahagulgol.

Isinuot ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "My Choi Jeonghan."

"I love you." Sabi niya sakin.

"I love you too." Sabi ko pabalik.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luha.

Hahalikan ko sana siya ulit sa labi nang biglang bumukas ang pinto, "Tapos na— ay shet sorry." Sabi ni Seungkwan.

Nag smack nalang ako sa kanya at hinalikan sa noo.

"Panira kayo ng moment." Sabi ko at napatawa naman sila.

Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon