Sorry at ngayon lang nakapag ud. Sobrang busy lang talaga ako sa school. ㅠㅠ
———
Nang malaman agad nila Jihoon na nasa hospital si Seungkwan ay agad agad silang nagsipunta.
"Ano na kayang nangyari kay Jeonghan?" Nag aalalang tanong ni Chan habang nasa kotse nila papuntang hospital.
"Sana maging okay agad siya." Malungkot na sabi ni Seokmin.
"Tiwala lang tayo guys." Pag aassure ni Jihoon. "Kaya yan ni Jeonghan." Dagdag nito.
**
"Seungkwan!" Tawag ni Hansol nang makita agad niya ang kasintahan.
Lumingon naman si Seungkwan at kitang kita ang pamumula ng mata nito na agad na ikinaranta ni Hansol kaya tumakbo ito pati na rin ang kasama niya.
Niyakap agad ni Hansol si Seungkwan, "Are you okay, babe?"
"Ano ba yan, landi agad." Bulong na sabi ni Mingyu. Siniko naman agad ni Wonwoo ito.
"S-si J-jeonghan..." Mahinang sabi ni Seungkwan.
"Anong nangyari sa kanya?" Alalang tanong ni Jisoo.
"Lumalala na." Sagot lang ni Seungkwan at napaiyak sa balikat ni Hansol.
"Hush hush, Seungkwan." Sabi ni Hansol rito.
"Nasaan siya?" Tanong ni Jihoon.
"Nasa loob." Sagot ni Seungkwan.
"Si Seungcheol, nasaan?" Tanong ulit ni Jihoon.
"Nasa loob rin. Kausap ang doktor." Sagot pabalik ni Seungkwan.
"Bakit ka nandito sa labas?" Singit na tanong ni Soonyoung.
"Di ko kasi kayang makita sa ganung kondisyon si Jeonghan." Nakayukong sabi ni Seungkwan. "Tsaka kausap ni Seungcheol ang doktor."
"Diba dapat pinaagapan agad to?" Singit ni Minghao. "Alam ni Solar 'to, at dapat nandito siya ngayon."
"Hindi ko alam." Tanging sagot lang ni Seungkwan.
"Nasaan si Solar?" Tanong ni Junhui.
"Papunta na daw siya." Sagot ni Seungkwan.
"Papunta palang? Wow." Mataray na sabi ni Minghao. "Kapatid niya si Jeonghan at dapat inaalagaan niya si Jeonghan ngayon! Paano kung mas lalong lumala ngayon tong sakit niya?!"
"Kalma, Minghao." Sabi ni Junhui.
"Nakakabwisit kasi yang babaeng yan eh. Ang daming alam! Lahat nalang. Ano, gusto niyang patayin si Jeonghan?!" Galit na sabi ni Minghao.
"Kalma na, Minghao. Please." Kalmadong sabi ni Jihoon.
Maya maya pa ay biglang nagbukas ang pintuan at sabay silang napatingin kay Seungcheol at doktor.
Nag-bow lang ang doktor sa mga ito at umalis na.
"Seungcheol." Tawag nila sa namumulang matang si Seungcheol.
"Ischemic Cardiomyopathy." Sabi ni Seungcheol.
"Ano?" Curious nilang tanong.
"Sakit ni Jeonghan." Kalmadong sabi ni Seungcheol.
Nagulat ang lahat sa narinig.
"Bakit hindi niyo lang agad sinabi? Gusto niyo talaga malaman ko kung kailan malala na?" Tanong niya sa mga kasama niya.
"C-cheol..." Tawag ni Seungkwan.
"Ano? Sasabihin niyong hindi niyo nanaman alam?" Inis na tanong ni Seungcheol. "Bakit napaka-selfish niyo?!"
Napayuko nalang silang lahat.
"Si Jeonghan ang may gusto nito." Sabat ng isang taong nasa likod nila. Agad naman silang napatingin sa nagsalita.
"Solar." Tawag ni Seungkwan.
"Si Jeonghan ang may gusto nito, hindi ako o sila." Sabi ni Solar habang nakatingin kay Seungcheol.
BINABASA MO ANG
Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheol
Cerita PendekAng istoryang umiikot sa pag-iibigang inakalang mali sa tamang oras ngunit naging tama sa maling oras at panahon. Pag-ibig na kahit ilang beses nang nasasaktan, patuloy at patuloy pa ring mamahalin ang iisang taong nagbigay sa kanya ng sakit at liga...