73

405 24 1
                                    

Nang sinabi agad kay Seungkwan ang nangyari, dali dali niya agad tinawagan si Jisoo para papuntahan ito sa dorm nila.

Agad agad din namang pumunta si Jisoo.

"Bakit mo ba ko pinapunta, Seungkwan?" Bungad agad ni Jisoo nang umupo na sila sa sala.

"May sinabi kasi sakin si ano." Sabi ni Seungkwan.

Napakunot naman ang noo ni Jisoo pero kalaunan ay nagets niya agad kung sino si 'ano'.

"Anong sabi?" Tanong niya rito.

"Sinabi niya may gumalaw daw sa phone ko." Sabi ni Seungkwan.

"Paano naman niya nasabi?" Tanong ulit ni Jisoo at uminom ng juice.

"Nagtext kasi siya sakin kaninang madaling araw tapos inutusan niya ako na bantayan ko muna siya kasi aalis muna siya saglit. Nag reply naman daw ako, nagtanong naman daw ako sa kanya kung ano ang address na ikinataka niya kasi pumunta ako nung isang araw tapos bakit parang iba ang mga reply ko sa kanya." Pag eexplain ni Seungkwan.

"Tapos kanina lang, tinext niya ako na malapit na daw siya at pabalik na ng hospital. Doon na ako nagtaka."

"Ang ikinakataka niya, bakit sa phone pa ni Seungcheol-hyung ako gagamit ng phone papunta doon kasi daw sabi ko wala na daw akong load. Unli ako kaya ako, paano ako mawawalan ng load diba?"

"Kaya nga sabi ko pupunta ako agad ng hospital pero naisip agad kita at pinapunta kita dito para sabay na tayo."

Napaisip naman si Jisoo.

"Paano nangyari yun?" Tanong ni Jisoo.

"Ewan. Tsaka di ba pwede naman kay Hansol, Seokmin, Jihoon, Minghao, Junhui, yung iba pang nandito diba?" Sabi ni Seungkwan.

Tumango naman si Jisoo.

"Hindi kaya?" Sabi ni Jisoo.

Nanlaki naman ang mga mata ni Seungkwan.

"Imposible, Jisoo-hyung!" Sabi ni Seungkwan sabay iling.

Magsasalita pa sana si Jisoo nang biglang lumabas si Seungcheol galing sa kwarto nito. Nagulat naman sila.

Napatingin naman ang dalawa dito at takang tumingin naman si Seungcheol.

"Bakit parang nakakita kayo ng multo?" Tanong niya.

"A-ah wala h-hyung." Sabi ni Seungkwan sabay ngumiti nalang rito.

Hindi nalang sumagot si Seungcheol at dumiretso sa kusina.

Napabugtong hininga naman silang dalawa. Bigla namang nag vibrate ang phone ni Seungkwan.

Kinuha niya ito sa bulsa niya at tinignan.

BITCH is calling...

Pinakita naman agad ni Seungkwan kay Jisoo at sinenyasan na agad niya ito na mag paalam kay Seungcheol.

Tumayo na sila at naunang lumabas si Jisoo.

Lumapit si Seungkwan kay Seungcheol.

"Ah hyung?" Tawag niya rito.

"Oh?" Sabi nito habang nakatalikod sa kanya.

"A-aalis muna kami ni Jisoo hyung. Hehe." Sabi niya.

"Geh." Maikling sagot niya.

"Bye, hyung." Paalam niya. Hindi na niya hinintay sumagot si Seungcheol at lumabas na.






























"Tulala si gilagid." Bungad ni Jihoon kay Seungcheol na makita itong mag isa habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Jeonghan.

Bigla naman napatingin si Seungcheol sa kanya at sinamaan ito ng tingin, "Gago, gilagid ka dyan." Sabi nito.

Tumawa naman ito, "Totoo naman. Nahiya ka pa." Sabi nito at umupo sa tabi niya.

"Kung ang tingin sa litrato ay nakakamatay, malamang sa malamang patay na si Jeonghan." Biro nito.

Tumawa naman ng mahina si Seungcheol, "Tangina mo."

"Alam mo imbis na tumunganga ka dito o tumingin sa mga pictures niyo ni Jeonghan, bakit hindi mo nalang siya hanapin." Sabi ni Jihoon.

Napahigpit ang hawak ni Seungcheol sa picture ni Jeonghan na agad namang napansin ni Jihoon.

"Gigil ah." Sabi nalang ni Jihoon.

"Paano ko hahanapin kung hindi ko naman alam kung nasaan." He said in a cold tone.

"Kung tinanong mo sana sa mga tao dito kung nasaan siya edi sana pinuntahan mo na." Seryosong sabi ni Jihoon. Tumayo na agad ito at tinap ang balikat niya.

"Sabagay hindi mo na kailangan tanungin kasi alam mo naman na kung nasaan siya." Huling sabi nito at iniwan siyang nakatulala.

Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon