59

425 19 7
                                    

"Ma'am, nandito na po si Ms. Jeonghan." Sabi ng katulong namin habang nanunuod ako ngayon ng Phineas and Ferb.

"Papasukin mo." Sabi ko sa katulong namin at mukhang tumango naman ito at umalis na.

Maya maya ay narinig ko na ang yakap nito.

"Nandito na ako." Sabi ni Jeonghan at tumayo sa gilid ko.

Napangisi naman ako at tumingin sa kanya, "Susunod ka rin naman pala eh."

"Pwede naman tayo mag-usap sa school bukas, alam mo bang muntik na kong pagkamalang babae doon sa labas?!" Galit na sabi niya sa kin.

"Ayaw mo nun? Babae ka?" Sabi ko sabay tawa.

"What do you want?" Sabi nito.

"Nothing." Sabi ko sabay nguya ng popcorn.

"Nagpakahirap akong pumunta dito tapos 'nothing' lang pala?!" Sabi niya sakin habang nakakunot ang noo. "I'm going home." Dagdag pa nito.

"Masyadong matigas yang bungo mo, Jeonghan! Alam mo sayang ka kung bobo naman yang utak mo, malamang pinapunta ka dito kasi 'you know'. Duh." Sabi ko at inirapan ito.

"Papabugbog mo nanaman ako?!" Sabi niya.

"Exactly!" Masaya kong sabi.

"Wala akong ginagawang masama. Bakit nanaman?!" Tanong ni Jeonghan.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Too naive." At lumakad papalayo sa kanya.

Sinundan naman niya ako, "Please stop this."

"I will stop this if you'll just obey me!" Sigaw ko sa kanya.

"Why?" Tanong niya.

"Akin lang si Seungcheol! Akin lang siya! Aaaaaah!" Sabi ko sabay tili.

"WHAT HAPPENED?!" Sigaw ni Dad at tumingin sa amin na galing sa office niya.

"D-dad..." Sabi ko sabay umiyak sa harapan niya.

Niyakap naman niya ako, "Hush now, baby girl." Malambing niya sabi sakin. Napangisi naman ako ng palihim.

"ANO NANAMAN GINAWA MO, JEONGHAN?! WALA KA NG GINAWANG TAMA! LAGI MO NALANG SIYA SINASAKTAN!" Sigaw ni Dad kay Jeonghan.

Lumayo si Dad sakin at lumapit kay Jeonghan at sinampal ng malakas.

"Pathetic." Seryosong sabi ni Dad.

"Wala akong ginagawang masama!" Sigaw ni Jeonghan. "Parati nalang ako! Ako nanaman kasi sinaktan ko siya, ako nanaman kasi sinisigawan ko siya, ako nanaman kasi wala akong ginawang tama, ako nanaman kasi wala akong kwentang anak, ako nanaman kasi kahit ako yung totoo mong anak at siya lang ang anak sa labas, mas kinakampihan mo siya! Dad, bakit?!" Sabi ni Jeonghan habang umiiyak.

"A-ako yung t-totoong anak pero bakit h-hindi ko ramdam?!" Dagdag pa niya. Umirap lang ako.

Mas sinampal naman siya lalo ni Dad.

"KUNG SINUNOD MO LANG ANG UTOS NG KAPATID MO EDI SANA HINDI AKO MAGIGING GANITO SAYO! TANGINA MO! WALA KA TALAGANG KWENTA!" Sigaw ni Dad at sinuntok si Jeonghan sa tyan.

Napahiga naman ito at umubo ng dugo. Naawa naman ako ng kaunti kaya pinigilan ko na si Dad, "Tama na po, please. Okay lang po ako, Dad."

Bigla naman itong tumingin sakin at ngumiti, "Good." Tumango nalang ako at tumingin ito ulit kay Jeonghan.

"I will not let you to go out! Dito ka lang sa pamamahay ko, kapag umalis ka mas lalo kang malilintikan sakin, naiintindihan mo?!" Sigaw niya sakin. Nakayuko lang si Jeonghan.

"Walang kwenta." Huling sabi ni Dad bago ito bumalik sa kanyang opisina.

Tinawag ko naman ang mga katulong, "Yayas, pakidalhin nga si Jeonghan sa kwarto niya!" Sigaw ko.

Bigla naman itong nagsipuntahan at binuhat si Jeonghan.

"It's okay, oppa." Mahinang sabi ko ng makalapit sa kanya at tinapik ang balikat niya.

Hindi lang siya sumagot at hinayaang dalhin siya sa kwarto.

———

"Kinain ba niya yung pagkain?" Tanong ko sa katulong ng makababa ito galing sa kwarto ni Jeonghan.

"Tulog po siya ngayon, Ma'am. Nilagay ko po yung pagkain sa tabi po ng kama niya." Sabi nito at tumango lang ako at umalis ito kaagad.

Pinatay ko na ang tv at tumayo para pumunta sa kwarto ni Jeonghan.

Pagkapasok ko pa lang ay hindi ko agad siya nahanap dahil madilim ang kwarto at tanging buwan lang ang nakikita mula sa bintana.

Lumapit naman ako sa kama niya at tinignan siya.

"Sorry." Sabi ko at napangisi. "Kung hindi mo inagaw sakin si Seungcheol, hindi ka magiging ganyan." Dagdag ko pa.

Bigla ko naman agad nahalata ang mga pasa niya sa mukha, sa braso at sa paa.

Bigla naman akong napatingin sa bulsa ng short niya na biglang nag beep.

Nagtaka naman ako at agad kinuha ang cellphone niya. Napangisi ako.

"Sorry ulit." Sabi ko at ngumisi. Sinilent ko ang cellphone niya at nilagay sa bulsa ko at lumabas ng kwarto niya.

Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon