68

430 18 4
                                    

hello guys, may napublish akong bagong jeongcheol one shot, nasa works ko lang tignan niyo nalang and sana magustuhan niyo. 💓

———

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

———

Seungcheol's

"Nakauwi na pala kayo." Sabi ko pagkasalubong ko sa kanila.

"Saan kayo nanggaling, Seungkwan at Hansol?" Tanong ko sa kanilang dalawa pero halatang nakatulala.

"Guys?" Tawag ko pa rin sa kanila.

"GUYS!" Sigaw ko sa kanila. Doon sila natauhan.

"U-uy, S-seungcheol. K-kanina ka pa dyan?" Tanong ni Seungkwan, halatang pula ang mga mata nito.

"Kwan." Tawag ko.

"B-bakit?" Kinakabahan niyang tanong sakin.

"Nakadrugs ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Para kang high sa sobrang pula ng mata mo. Okay ka lang ba?" Dagdag ko pa.

"A-ah. Haha, oo okay lang ako tsaka hindi ako nakadrugs. Grabe ka." Sagot nalang niya.

"Ikaw, Hansol? Okay ka lang?" Tanong ko kay Hansol.

Napatingin naman siya sakin, "A-ah oo. Okay lang kami. Wag kang mag alala, h-hyung."

"Saan ba kayo nanggaling? Para kayong binagsakan ng langit at lupa." Sabi ko.

Tumawa naman silang dalawa.

Pero pekeng tawa.

"Stress lang, hyung. Galing kaming school, may ginawa lang." Sagot ni Hansol.

"Tama." Sabi ni Seungkwan.

"Una na kami hyung sa taas ah?" Sabi ni Hansol at pumunta na silang dalawa sa kwarto nila.

Tinignan ko lang sila hanggang nag sarado ang pintuan ng kwarto nila.

"Saang tingin yan, Cheol?" Tanong ni Seokmin.

Tinignan ko naman siya.

"Okay ka na ba?" Tanong niya pa.

Umiling ako. "Nahanap niyo na ba siya? O nacontact man lang?" Tanong ko.

Mas lalong lumungkot niya, "Wala pa rin, Cheol. Gagawa at gagawa pa rin naman kami ng paraan eh, wag kang mag alala." Sabi niya sakin. Ngumiti siya sakin.

Ngumiti nalang ako ng maliit, "Sana nga."























































Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon