"Doctor Namjoon." Tawag niya sa doktor.
"Wala na ba talagang ibang paraan para gumaling siya sa sakit niya?" Tanong niya rito. "Ikaw ang doktor niya simula noon diba? Kaya alam mo kung meron pa o wala."
"Mas lalong lalala kung ipapaopera niyo. Dahil tinanong ko na siya noon kung gusto niya bang magpaopera o hindi." Sagot nito.
"Desisyon ni Jeonghan kung anong gusto niya. Doktor lang ako, ang kaya ko lang ay magpagaling ng tao pero wala akong ibang kapangyarihan para mawala ang sakit niya." Dagdag niya pa.
Nanlumo nalang si Seungcheol sa narinig.
"I'm sorry, Mr. Choi." Sabi ni Namjoon.
"Please take care of him lalo na't hindi natin alam kung kailan naninikip ang dibdib niya. Dobleng pag aalaga ang dapat ngayon." Ngumiti ito ng maliit. "Gagawa ako ng ibang paraan, Mr. Choi, para lang gumaling siya." Hinawakan nito ang balikat ni Seungcheol.
"You need to be strong." Tanging sabi nalang niya at nag bow muna bago umalis.
Nakatingin lang si Seungcheol sa papalayong doktor.
"Hyung!" Tawag sa kanya. Napalingon naman agad siya.
"Bakit, Chan?" Tanong niya rito.
"Gising na si Jeonghan-hyung!" Sabi nito.
Tumakbo naman agad si Seungcheol at sinundan ni Chan.
**
"Gutom ka ba? May masakit ba sayo? Hindi ka ba komportable dyan sa higa mo? Naiihi ka ba? Natatae? Naiitan ka ba? Nilalamigan? Nabobored ka ba? Na—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Seungcheol nang sumabat si Seungkwan.
"Hyung, yung totoo? Kalma lang." Sabat ni Seungkwan sa kanya.
Nakangiti lang si Jeonghan habang nakatingin sa kanila.
"Natutuwa akong nandito kayong lahat." Mahinang sabi niya.
Ngumiti lang sila ng maliit dahil ang Jeonghan na nakikita nila ngayon ay hindi na kasingsigla noon. Putla na ang mukha nito.
Hinalikan naman ni Seungcheol si Jeonghan sa noo.
"Natutuwa rin kaming gising ka na." Sabi niya.
Napatawa naman ng mahina si Jeonghan. "Nagugutom na ba kayo?" Tanong niya sa kanila.
Seokmin chuckled, "Kami pa talaga tatanungin mo nyan, hyung? Dapat ikaw, hyung. Gutom ka na ba?" Tanong niya.
"Bibili kami ng makakain mo kung gusto mo." Sabi naman ni Mingyu habang nakangiti.
"Ang sweet niyo naman sakin. Hehe." Sagot ni Jeonghan. Bigla namang tumunog ang tyan niya na ikinatawa ng lahat.
"Gusto ko sabay sabay tayong kumaing lahat. Okay lang ba?" Tanong niya sa kanila.
"Oo naman!" Sagot nilang lahat. "Bibili lang kami, hyung." Masayang sabi ni Junhui.
"Bakit lahat tayo?" Tanong ni Minghao.
"Para marami tayong bibilhing pagkain. Tara na!" Sabi ni Seungkwan. Maya maya ay nagsialisan na sila at naiwan sila Jeonghan at Seungcheol.
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ni Jeonghan.
Ngumiti lang sa kanya si Seungcheol, "Wala. Ang ganda mo kasi kahit lalaki ka."
Tumawa naman si Jeonghan ng mahina, "Hindi na ko maganda, tignan mo ang putla ko." Sabay ngumuso.
Hinawakan lang ni Seungcheol ang pisngi ni Jeonghan, "Kahit may sakit ka pa, maganda ka pa rin sa paningin ko." Sincere niyang sabi.
Napangiti naman si Jeonghan, "Mamahalin mo pa rin ba ko kahit ganito ako kaputla?"
"Kahit ano pang itsura mo, mamahalin at mamahalin kita ng paulit ulit. Mahal na mahal kita, Yoon Jeonghan." Sabi ni Seungcheol.
Napaluha naman si Jeonghan at ngumiti, "I love you too, Choi Seungcheol."
Hahalikan na sana ni Seungcheol si Jeonghan sa labi nang marinig nila ang pagbukas ng pinto.
Pinunasan niya ang luha ni Jeonghan at hinalikan nalang sa ulo.
"NANDITO NA ANG PAGKAIN!!!!" Sigaw nila.
Napatawa nalang sila.
BINABASA MO ANG
Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheol
Historia CortaAng istoryang umiikot sa pag-iibigang inakalang mali sa tamang oras ngunit naging tama sa maling oras at panahon. Pag-ibig na kahit ilang beses nang nasasaktan, patuloy at patuloy pa ring mamahalin ang iisang taong nagbigay sa kanya ng sakit at liga...