81

444 26 10
                                    

since birthday ko kagabi, ito ang update ko ngayon. 😂

#jeOnGchEoLizbAcK



"Say ah." Sabi ni Seungcheol.

Nag-ah naman si Jeonghan at sinubo ni Seungcheol ang lugaw sa kanya.

"Masarap?" Nakangiting tanong ni Seungcheol kay Jeonghan. Tumango naman ito.

"Ikaw nagluto?" Tanong nito.

"Hindi, binili ko lang 'to." Sagot niya at patuloy lang sa pagsubo kay Jeonghan ng pagkain.

Napatitig si Seungcheol kay Jeonghan na makitang gising na 'to, kaharap na niya at kausap niya ulit.

Tumingin naman si Jeonghan sa kanya, "May madumi ba sa mukha ko?" Tanong nito.

"Wala. Ang ganda mo kasi." Sagot ni Seungcheol.

Napaiwas naman ng tingin si Jeonghan.

"Kailangan mong maubos 'to para makainom ka na ng tubig at magpahinga ka na." Pagpapaalala ni Seungcheol kay Jeonghan.

"Opo boss." Nakangiting sabi ni Jeonghan at sumaludo.

Ginulo naman niya ang buhok niya.

"Nga pala, paano mo nalaman na dito ang room ko? Diba? Alam mo na." Tanong ni Jeonghan.

"Sinabi sakin nila Seungkwan." Sagot niya habang hinahalo ang lugaw nito.

Tumango naman ito, "Nga pala, alam mo ba kung nasaan si Solar?" Tanong ulit ni Jeonghan.

Napatigil naman si Seungcheol sa ginawa.

"Hindi eh. Bakit?" Sagot niya.

"Wala naman. Dapat kasi nandito na siya ngayon, binabantayan ako." Sabi ni Jeonghan.

Ngumiti nalang si Seungcheol at sinubuan ulit si Jeonghan.



















"Cheol..." Tawag sa kanya.

Binaba niya agad ang cellphone niya.

"P-paano?" Tanong niya.

"Sinabi na nilang lahat sakin." Sagot niya.

"Shit." She cursed under her breath.

"Sa labas tayo mag usap." Sabi ni Seungcheol nang tumayo na at diretsong lumabas.




















"Bakit mo to tinago?" Tanong agad ni Seungcheol nang makitang nasa harap na niya si Solar.

"Cheol..." Tawag niya.

"BAKIT. MO. TINAGO?" Diin niyang tanong at lumapit sa kanya.

Imbis na sumagot nakayuko lang ito at hindi man lang binigyan ng pansin ang tanong ni Seungcheol.

"Ganyan ka na ba ka-selfish?" Tanong ulit ni Seungcheol.

"Masama bang maging selfish kahit minsan lang?" Tanong niya pabalik.

Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon