Chanyeol
"Teka? Ano bang nangyayari?" Tanong ni Luhan pero tumayo na ko para habulin si Sehun. Kasi naman, bakit ba kasi napaka-manhid ni Luhan. Hindi manlang nakaramdam.
"Sehun!" Nung marinig nya ang boses ko mas lalo nya pang binilisan ang lakad. Kaya tumakbo na ko. Bago pa sya makapasok sa loob ng kotse, nahawakan ko na sya.
"Se."
Walang sagot.
"Yung... Kasi, kagabi diba? Ano..." Napakamot ako sa ulo. Paano ba to?
"Kasi Seh-"
"Talagang kay Luhan mo pa balak sabihin." Naiinis nyang sagot sakin.
"Ano?" Nabitawan ko tuloy ang braso nya dahil don.
"Lasang beer..." Lumunok sya bago ako tignan ng di makapaniwala. Nagulat ako sa tingin nya kaya napaatras ako. Ano bang gusto nyang sabihin?
"Gusto mo bang pandirihan ako ni Luhan?" Natawa ako sa sinabi nya, at nainsulto.
"Pandirihan? So having sex with me makes you filthy?" Naiinis kong sagot, "Kelan ka ba mag-babago? Wala nang pakialam sayo si Luhan. Isang taon na pero ganyan parin yang ugali mo, nakakadiri parin."
Umalis ako sa harap nya. Sira-ulo.
Sino bang may gusto ng nangyari? Gusto ko ba yon? Ganon ba ko ka nakakadiri para sabihin nyang pandidirihan sya ni Luhan... tss. Tangina pala ano? Kung ako sana ang unang humalik sakanya.
Napalunok ako bago ako sumakay sa kotse. Oh Sehun is a waste of time, and energy. Hindi ko nalang papatulan ang pagiging immature nya. Tingin ko nga kay Baekhyun sya nag-kwento eh.
Nag-drive ako pauwi kila Noona. Pag-dating ko sa bahay, natanaw ko agad sila ni Chan sa garden. Marunong nang maglakad ang pamangkin ko. Cute cute, parang ako.
"Yeol!!!" Sigaw ni Noona pag-kakita sakin.
Sinalubong naman ako ni Chan kaya hinintay ko sya sa gate. Ugh! Ang cute nya talaga.
"Eol!!!" Sigaw din ni Chan nang makalapit sakin. Mag-dadalawang taon na sya at sya ang dahilan kung bakit itinigil ko lahat ng inumpisahan namin ni Sehun. Nang makita ko si Chan sa tabi ni Noona, naisip ko agad yung magiging baby ni Luhan at Baekhyun, magiging katulad din sila ni Chan, at kailangan nila ng buong pamilya.
"Wow. Ganda naman ng bagong shoes ah."
"Abili ni Oora."
"Eomma yon, hindi Oora." Binitbit ko sya bago kami lumapit kay Yoora noona.
"Buti umuwi ka."
I srunched my face before sitting in front of her.
"Si Sehun kasi."
"Oh bakit? Suko ka na sa batang yon?" Natatawa nyang tanong kaya sinibangutan ko lang sya.
"Noona, pano kung akala mo, dishwashing liquid yung mantika," tinignan nya ko ng kakaiba, "tapos ginamit mong pang-ugas ng plato."
"Yeol, hindi naman ako ganon katanga."
Hehe. Sabagay. Ako lang naman tong tanga na hindi nai-distiguish kung anong pinag-kaiba ng dishwashing liquid at mantika. Mag-kamuka kasi talaga sila nung gabing yon. Hays. Yung mantika at dishwashing liquid ah.
---
Dahil sa ayaw na kong pauwiin ni Chan, nag-decide nalang akong dito matulog. Tutal eh wala namang sigurong pinag-kaiba kung uuwi ako o hindi. Wala namang mag-hahanap sakin, baka nga hindi pa non mapansin na hindi ako umuwi eh.
BINABASA MO ANG
ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]
Fanfiction"C-Chanyeol-hyung?!" Lumingon ako sa kama at nag-katinginan kami ni Sehun. Agad naman syang nag-iwas ng tingin sakin. Tapos isang lumilipad na boxer ang tumama sa muka ko saka sya nagtago sa ilalim ng kumot. Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung...