Chanyeol
Hindi nanaman sya mapuknat kay Kyungsoo kanina. Buti nalang, umuwi na sila. Konti nalang, dudukutin ko na talaga yang mapagsamantalang mata ni Kyungsoo na yan eh.
Paikot ikot na ko sa higaan. Kanina may kausap pa ko, si Vivi. Kaso kinuha rin sya ni Sehun sakin. Kasalanan to lahat ng KaiSoo.
Napahawak ako sa dibdib ng may biglang kumatok sa pintuan. Bumukas yon saka lumabas ang ulo ni Sehun sa pinto. Yung ulo sa taas ah.
"Kumain ka na, matutulog na ko."
"Oo sig-"
Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko, nakasara na ang pintuan, wala na sya. Ano pa nga bang magagawa ko? Ano pa nga bang bago. Hindi nalang ako kakain, nakakawalang gana. Tsaka luto yon ni Kyungsoo, eeew. Mamaya lasunin pa ko non.
Nagalit nanaman siguro sya kasi hinalikan ko sya. Tanga tanga ko kasi.
"Bakit ko ba kasi ginawa yon?! Tanga tanga, tanga tanga!"
Lumipat nalang kaya ako ng bahay? Hindi naman pwede, hindi ko parin pwedeng ipagsa-walang bahala yung posibilidad na may laman yung tyan nya, na baka may dinadala syang...
Hindi ko parin kayang sabihin!!!
*blag*
"Awww!"
Wala na talaga akong pagasa. Tinignan ko ang kama sa ibabaw ko. Kung malas ka nga naman talaga... pati kama ko, pinagtatabuyan na ko. Bakit ba ang malas ko?
Kung pwede ko lang i-reset lahat ng bagay na nangyari. Restart. Refresh.
Sana okay parin kami ni Sehun.
"Bwisit."
Masama nito bumalik pa yung anxiety ko kaka-overthink. Tama na Chanyeol.
Bumangon ako sa sahig saka bumalik sa traydor kong kama. Isa pang laglag ko, bibili na ko ng bago kong higaan.
Bakit ba kasi pinakinggan ko pa yung sinabi ni Jongnegs na yon.
Wag mo kasing hanapin si Baekhyun kay Sehun. Malayong-malayo sila. Tsaka isipin mo nalang rin kung anong mararamdaman ni Sehun kapag ganon. Alam mo namang sobrang insecure non kay Baek dahil kay Luhan.
Totoo naman. Alam ko naman yon. At hindi ko naman hinahanap si Baekhyun kay Sehun.
Kusa ko lang nakikita.
Fine.
Guilty nga siguro ako kaya ako nagkakaganto.
Magtago nalang kaya ako sa Viva Polo? Napasabunot nalang ako sa inis. Bahala na.
Bumaba ako sa kusina ng makaramdam ako ng gutom. Magluluto ako ng sarili ko. Hindi mo ko mapapakain ng pagkain na luto ni Kyungsoo. Masama parin loob ko sa kwago na yon.
Pagtaas ko ng takip, nakita ko yung kimchi sphagetti. Kayang kaya ko rin naman gumawa nya ah. Tss. Pabebe lang si Sehun, gumagawa lang yon ng paraan para mapalapit kay Kyungsoo. Ano bang meron si Kyungsoo? Di hamak naman na mas matangkad ako don?
The eff?!
Kung ano ano nang pinagsasasabi ko.
Gutom na me.
Binuksan ko ang ref para maghanap ng lulutuin pero may isang bagay na nakakuha ng hindi-masyadong-ginagamit kong atensyon.
Kumindat sakin ang lata ng beer.
Buti pa sya... sa oras ng pagiisa, lagi talagang nandiyan ang alak para damayan ka. I feel so loved. My god.
Kinuha ko yon saka binuksan, medyo nilasap ko muna yung amoy nya bago ko nilagok.
BINABASA MO ANG
ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]
Fanfiction"C-Chanyeol-hyung?!" Lumingon ako sa kama at nag-katinginan kami ni Sehun. Agad naman syang nag-iwas ng tingin sakin. Tapos isang lumilipad na boxer ang tumama sa muka ko saka sya nagtago sa ilalim ng kumot. Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung...