21

874 52 43
                                    

Chanyeol

"Ang tanga mo." Tinignan ko si Jongin.

"Bakit nanaman?"

Umakyat na si Kyungsoo at si Sehun sa taas dahil may ikukwento daw si Kyungsoo sakanya. Parang mga babae. Tuwing mag kasama chismisan ng chismisan, paano pa pag kasama nila si Luhan at Baekhyun. Ugh. Di ko maimagine.

"Paasa ka talaga."

"Ano?"

Kanina tanga, ngayon paasa. Seryoso, ano nanaman bang ginawa ko sakanya? O kay Kyungsoo? Bakit sinisisi nya nanaman ako.

"Bahala ka dyan."

"Bahala ka rin." Sagot ko.

Tumuloy sya sa kusina, kaya tumayo rin ako sa sofa at sumunod sakanya. Nagulat ako ng masalubong ko sya sa pintuan ng kusina.

Naka spread ang mga braso, tapos niyakap nya ko.

"I love you too."

Taena. Hindi ko alam kung anong trip nya. Paasa daw ako, eh sya nga tong manyakis. Nangyayakap, nanabi pa ng iloveyou. Yuck. ChanKai na ba ito?

"Isusumbong kita kay Kyungsoo! Akala mo ah."

Pagbitaw nya sa yakap. Mabilis akong tumakbo paakyat sa taas papunta sa kwarto ni Sehun. Oo, nagkulong nanaman silang dalawa dyan. Nakakainis.

"Kyung—" napatigil ako ng marinig ko ang malakas na tili ni Kyungsoo sa loob ng kwarto. Shit, akala ko ba nag kukwentuhan lang sila?! Eh bakit tumitili si Kyungsoo?!

Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan.

"Anong sabi? Patingin nga ng test results?"

"Positive Kyungsoo-hyung. Pregnant."

Pregnancy? PREGNANCY?!

Mas idinikit ko pa ang tenga sa pintuan. May super powers ang tenga ko. Hindi to ordinaryong tenga lang. Super tenga to. Pamana sakin ng lola ko.

"Owemji. So buntis nga? My gad, daddy na sya."

Hindi ko na kaya.

Shit shit shit. Buntis sya?! Buntis si Sehun?!

"Hoy, nagaano ka dyan, muka kang butiking—hmm! HMP!" mabilis kong tinakpan ang maitim na bibig ni Jongin. Napakaingay. Mamaya malaman nila Kyungsoo na nakikinig ako tapos...

Biglang tumigil sa pagkukwentuhan yung dalawa sa loob. Shet. Lalabas na sila. Hinatak ko si Jongin papunta sa kwarto ko bago pa man bumukas ang pintuan ng kwarto ni Sehun.

"Hmp!!! Hmpp! Hmmmp hmmmp—ape! RAPE!!"

"Letse ka Jongin manahimik ka nga."

"Ano bang pinaggagawa mo kasi? Ang laki mong butiki don sa pintuan, 'di bagay."

"Kasi..." Wag, hindi ko na muna sasabihin kay Jongin, dapat sikreto yon, at kapag sinabi ko kay Negs, malalaman ni Kyungsoo na nakikinig ako.

"Ano?"

"Kasi—"

"HOY! Mga kupal! Nag-aano kayo dyan? Buksan nyo nga 'tong pinto, mga letse kayo. May pa-lock lock pa kayong nalalaman."

Hindi ko alam kung hulog ng langit si Kyungsoo o ipinadala sya galing sa ilalim ng lupa pero sya din ang nagsave sa sarili nila.

Binuksan ni Jongin ang pintuan at maarteng nagiiyak sa braso ni Kyungsoo. Nirape ko daw sya. Nakakadiri. Lahat naman ng rarapin ko, sya pa. Ews.

ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon