11

854 64 40
                                    

Sehun

I don't exactly know why Kyungsoo and Jongin have to do this to us. Fine, nakita nila kami sa isang di kaaya-ayang posisyon, pero what the eff naman, hindi naman ibig sabihin non may gagawin kaming masama.

Lalo na si Chanyeol.

"Sinabi mo na ba?" Tinignan ko si Kyungsoo-hyung na nakaupo sa swivel chair.

"Hindi naman ako ganon katanga." Sagot ko saka ako nahiga sa kama. Asa namang sasabihin ko yon, hangga't pinipilit nyang hyung ko sya hinding hindi ko yon sasabihin.

"Eh ano yung kanina?"

"Ewan ko."

Malandi lang talaga si Chanyeol kaya nangyari yung nangyari. Baka nga si Baekhyun nanaman ang nakikita nya sakin kaya nya ginawa yon eh. Lagi nalang si Baekhyun-hyung.

"Kadiri yon."

"Kadiri kadiri ka dyan, di mo naman mabitawan yang lips mo."

The fuck?! Mabilis kong tinanggal ang daliri ko sa labi. Magmumumog talaga ako ng bagong kulong tubig para mawala lahat ng bacteria at germs nya sa bibig ko.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Chanyeol na gusto mo na siy—" Agad akong napatalon sa higaan at saka tinakpan ang maduming bunganga ni Kyungsoo.

"What the fuck Kyungsoo-hyung, tumahimik ka nga!"

"Hmpf! Hmmm! Bakit? Tingin mo uusad kayo ng panay ka ganyan? Daig ng malandi ang maganda. Kung maganda si Baekhyun, maging malandi ka."

Kainis talaga. Dapat hindi ko nalang sinabi sakanya. Napakaingay ng bibig nyang mabaho. Tsk.

"Tumahimik ka Kyungsoo, kundi malilintikan si Jongin sakin."

"Aba kupal ka, anong Jongin? Gusto mong maputulan ng etits ng di oras?"

"Ang dumi dumi talaga ng bibig mo na yan."

Si Chanyeol nalang putulan nya para siguradong hindi nya magagamit yung mga makasalanang sex paraphernalia na yon. Sumakit ulo ko nung nakita ko yung mahiwagang plastic.

"Punyeta ka ah. Pasalamat ka nga, friends na tayo ngayon. Kung di ka tumino sa mga kalokohan mo, ikaw sana ang puputulan ko."

"Bata pa ko kaya ko nagawa yon noon? Matanda na ko ngayon. I already knew what I'm doing."

"Last year lang yon. Kung maka tanda ka dyan."

"Tumahimik ka na Kyungsoo-hyung. Naamoy ko hininga mo."

Iniws. Pinapastress nya buhay ko. Buti nalang masarap sya magluto.

"Gusto ko ng kimchi spaghetti."

"Muka kang kimchi."

Padapa akong nahiga sa kama. Namimiss ko na kasi yung kimchi ni Mommy. Tagal nya nang di umuuwi. Lagi nalang syang nasa abroad.

Lahat naman ng tikman kong kimchi, walang kalasa nung kay Mommy.

"Kyungsoo! Buksan mo tong pinto! Ano ba, wag nga kayong magkulong dyan! Wala akong tiwala sayo!"

"Wag ka ngang OA Chanyeol." Rinig kong sagot naman ni Jongin sa sigaw nung bakulaw.

"Wala ka talagang balak umamin?"

"Wala. Never."

Bigla nanamang kumalampag yung pinto. Akala ata ni Chanyeol, bakal yung pintuan namin, hindi nasisira.

"Kyungsoo, parang awa mo na! Wag mong pagsamantalahan ang kahinaan ni Sehun. Buksan mo na tong pinto."

Lumapit ako sa pintuan saka sinipa yon. Kahinaan?! The fuck? Isang sapak ko lang kay Kyungsoo tulog to.

ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon