19

950 58 52
                                    

Chanyeol

"Hindi ka pa tapos?"

Tumango ako kay Sehun.

Dahil sa nangyari kahapon sa couch, pagkagising nya palang kaninang umaga, nagpunta na agad kami sa Viva Polo para kunin na lahat ng gamit ko.

Inis na inis sya dahil wala akong brief habang sya naman ang nagsabi sakin na wag na kong brief tutal hindi naman ako aalis ng bahay. Pinagpapalo nya pa ako nung unan, na sabi nya daw wag kong aalisin. Sinabi nya pala yon?

Nakahiga sila ni Vivi sa kama habang nag eempake ako ng mga gamit ko. Sinama nya pa talaga si Vivi, at pinahiga nya pa talaga sa kama ko.

"Bagal mo."

"Tulungan mo kaya ako?"

"Kaya mo na yan. Bang! Vivi!"

Bakit ba sumama pa sya kung si Vivi lang din naman ng si Vivi ang aasikasuhin nya.

"Dapat umuwi ka nalang, wala ka naman ding ginagawa."

"May ginagawa ako."

"Wala, nilalaro mo lang si Vivi sa kama ko."

"Bakit sinong gusto mong laruin ko sa kama mo, ikaw?"

Kung pwede ko lang syang batuhin ng rillakuma ko, ginawa ko na. Kaya lang wag na, masasaktan lang ang *Rilakkuma ko.

"Lumayo ka na nga dyan, ako na." Nagulat ako ng itulak nya ko palayo sa maleta atsaka isinalpak ng isinalpak don ang mga baby ko.

"Hindi ganyan. Sisirain mo ba yan? Isa!"

Huli ko nalang narinig ay ang pag sara ng zipper ng maleta. Jusko, Mahabaging Poon, kung ano man ang kalagayan ng mga anak ko sa loob ng maleta na yan, gabayan Nyo nawa sila.

"Edi natapos na. Arte kasi."

Binitbit nya na ulit si Vivi saka tuluyang lumabas ng kwarto. Gusto kong maiyak habang iniisip ang itsura nila sa loob pero wala na kong choice.

Habang nagkakarga ako ng bagahe sa loob ng kotse, si Oh Sehun nandon na, nakaupo sa front seat habang hinihimas ang natutulog nyang alaga... na si Vivi.

Buti nalang tinulungan ako ni Wendy, kaya medyo naging madali ang trabaho.

Pag-akyat ko sa driver seat...

"Ano, nag-enjoy ka?" Inirapan nya ko. "Sana sinama mo na rin yung Wendy sa mga maleta mo para mas enjoy ka pa sa bahay."

Heto nanaman sya. Nag umpisa nanaman.

"Bakit mo ba pinagseselosan si Wendy?"

"WHAT THE? AKO? NAGSESELOS? WOW. EXCUSE ME."

Tapos magagalit sya sakin. Lahat nalang ikinakagalit nya. Kapag naman pinagsasamantalahan nya ang kahinaan ko, hindi naman ako nagagalit.

"Wag mo na ngang sasabihin yang salitang nagseselos. Nakakairita eh."

Buong byahe papunta sa bahay, tahimik lang si Oh Sehun. As usual, lagi naman syang tahimik pag ako ang kasama nya.

"What?" Tanong nya.

"W-what?" Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa daan.

"You're glaring at me."

"Am not."

Ngumiti nanaman ng parang aso, hindi nanaman sya naniniwala. Bakit ba lagi nya nalang akong ginaganito?

"Tss."

Bago pa kami makarating sa bahay, malakas na ulan na ang bumubuhos. Nakakainis lang, kasi Summer ngayon pero umuulan. Asan ang hustisya?

ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon