Chanyeol
Tahimik...
Sa sobrang tahimik parang hindi lang isang anghel yung dumaan, isang kawan sila at mukang trip nilang tumambay pa sa loob ng sasakyan.
Ugh. Nakakabingi...
Hindi ko kakausapin si Oh Sehun. Niloko nya ko. Babae pa rin talaga ang gusto nya. Oo nga pala, ngayon ko lang naalala yung nangyari sa labas ng ospital dati, yung hinalikan nya yung babae sa loob ng kotse ko.
Ha.
All this time pala.
Kunwari pa sya. May pa-gusto kita, bwisit ka pa syang nalalaman. Muntik ko pang madiinan yung accelerator ng bigla syang magsalita.
"Galit ka."
Buti naman pala alam nya na hindi lang sya ang marunong mapikon.
"Hindi, ang saya saya ko." Sa sobrang saya ko gusto ko syang saksakin sa ngalangala ng toothpick.
"Ilang beses ko bang uulitin na hindi ko nga sya crush. Ano ako, eight years old?"
Hindi nga sya eight years old pero ang utak nya pang grade two parin. Tapos sasabihin nya hindi nya daw crush, anong akala nya sakin? Bulag. Kitang-kita ng mga mata ko, ramdam na ramadam ko sakanya.
Side effect ba yon ng pregnancy? Mag-ka-crush sa magagandang babae? Ang harot ng buntis na 'to.
"Don't talk to me." Hindi ko sya tinignan.
Hindi lang sya rin sya ang marunong mag-english pag naiinis.
"Edi wag. Bahala ka." Sagot nya saka mabilis na naghubad ng seat belt pagdating namin sa bahay. Ugh.
This time... hindi ko na ito-tolerate ang kaartehan nya. Kasalanan nya! Ako dapat ang bini-baby nya ngayon, hindi yang malaki nyang ego.
Ako dapat!
Pagpasok ko sa bahay, hindi ko na sya mahagilap. Pati yung aso nyang si Vivi wala na rin. Nakakulong nanaman siguro sa kwarto nila. Bakit ba ako nalang lagi ang mabait sa pagitan namin?
Bahala na. Naiinis ako.
Hindi dahil babae ang type nya, naiinis ako kasi nakita ko si Luhan don sa babaeng nagpunta sa Polo kanina. Yung aesthetic, doe eyes, petite. Si Luhan kasi lahat yon eh. Ganon kasi talaga yung mga type nya. Yung magaganda. Hello, anong maganda sakin? Lahat malaki, and when I said lahat, I mean lahat.
Aaminin ko gwapo ako, pero hindi gwapo ang taste nya, kaya nakakatakot... baka mamaya, naguguluhan lang sya kasi ako lang ang lagi nyang kasama.
Baliw na nga talaga ako.
Kelan pa ko natutong mag-doubt sa kagwapuhan ko. Descedant of Gods ako, mas gwapo pa ako kay Apollo, o kay Narcissus, o kay Hercules.
Ayoko na.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Itatanong ko ba kay Wendy kung sino yon? Syempre naman. Ano pang silbi ng pagiging boss ko.
Pero ayokong magtunog nagseselos. Hindi ako marunong magselos. Losers lang ang nakakaramdam non.
"Hello Wendy? Oh, may itatanong ako. Type ba ng kaibigan mo si Sehun?"
Tumawa sya saka mabilis na humindi. Good.
"Eh ikaw? Type mo ba si Sehun?"
[Ah... haha, hindi po Sir Chanyeol.]
Aba't mabuti naman, secure na ang posisyon nya.
"Sino ba 'yong kaibigan mo na 'yon?"
[Si Irene-eonnie po, model po 'yon. Kababalik nya lang ng Korea kaya hinanap nya agad ako. Bakit nyo po natanong? Hihingin nyo po ba yung number nya? Kayo sir ah.]
BINABASA MO ANG
ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]
Fanfiction"C-Chanyeol-hyung?!" Lumingon ako sa kama at nag-katinginan kami ni Sehun. Agad naman syang nag-iwas ng tingin sakin. Tapos isang lumilipad na boxer ang tumama sa muka ko saka sya nagtago sa ilalim ng kumot. Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung...