13

791 61 32
                                    

Sehun

Sorry...

I should have known where the line is.

===

"Sehun, gising na. Nagluto na si Luhan ng pagkain."

Bumangon ako sa couch nila Baekhyun ngmabigat ang ulo. Grabe nahilo ako sa puyat. Pagkatapos kasi nung nangyari kagabi, umalis agad ako sa bahay at nakitulog sa magasawa na to.

Wala silang guest room. Napaka poor talaga, sumakit tuloy likod ko sa couch.

"Gusto ko ng kimchi."

"Meron ginawa si Luhan. Tumayo ka na dyan."

Pero nung tignan ko ang muka ni Baekhyun, para akong sinuntok ng paulit ulit. Tangina, ang liit liit naman ng lalaki na to, ano bang meron sakanya at lahat nalang ng tao sa paligid ko ipinagpapalit ako para lang sakanya.

"Asan yung C.R? Nasusuka ako."

Tumayo ako at tumuloy sa tinuro nyang direksyon.

"Morning sickness?"

What sickness?

Pinagkibit balikat ko nalang yon saka pumunta sa banyo. Actually hindi naman talaga ako nasusuka, ayoko lang makita sya.

Naiinis ako.

Kay Chanyeol...

Kay Baekhyun....

Kay Luhan... at sa sarili ko.

Siguro hindi parin gising si Chanyeol hanggang ngayon, o baka may hangover sya ng sobrang tindi. Wala na akong pake. Gusto ko nang umalis sa bahay na yon. Ayoko rin syang makita.

"Sehun? Okay ka lang?" Katok ni Luhan.

"O-oo Luhan-hyung. Lalabas na ko."

Pagkatapos kong maghilamos at magmumumog, bumalik na ko sa kusina.

Nakita ko nanaman si Baekhyun. Sinubukan kong ngitian sya tulad ng ginagawa ko. Ang totoo nga nyan, mas naging close ako sakanya kesa kay Luhan hyung, pero pag tinitignan ko sya ngayon, nagagalit ako.

Dahil kung hindi pa sya nakita ni Chanyeol sakin kagabi, hindi pa sya titigil.

Ang sakit lang... para akong tanga. Para akong binubuhay ni Chanyeol sa anino ni Baekhyun.

"O, kumain ka na." Tumango ako.

"Sehun." Rinig kong tawag ni Baekhyun-hyung pero hindi ko na sya tinignan. Bakit ba? Ayoko eh.

"Oh?"

"Nag-away ba kayo ni Chanyeol?"

Napansin kong siniko sya ni Luhan.

"Hindi." Nagtinginan pa sila ni Luhan, akala mo naman hindi ko napansin.

"Okay, kung ayaw mong pag-usapan."

Nang matapos kumain, ako na ang naghugas ng pinggan habang si Baekhyun nag aalaga ng bata, papasok daw kasi sa trabaho si Luhan. Wala na nga pala si Kyungsoo pra buhayin sila.

Pumasok si Luhan-hyung sa kusina para magwalis.

"Luhan hyung? Wala ka bang alam na apartment na pwedeng lipatan?"

"Apartment? Bakit sa bahay nyo ni Chanyeol?"

Bahay namin ni Chanyeol... tanginang bahay yon.

"Wala lang, para makapagsolo na rin. Matanda na ko diba, tsaka nahihiya na ko kay Mommy, asang asa na ko sa pinapadala nyang allowance buwan buwan."

ChanHun: Top or Bottom pt.2 [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon