Chapter 14 The Parents

1.7K 55 0
                                    


Julia's POV

"JULIA JAYNE BUMABA KA NA" tse si Lola talaga.

"Andyan na po" sabi ko.

At bumaba na susunduin kasi namin sila Mama at Papa kasama sila Jamie at Javie.

Napatingin ako sa phone ko.

From: Kylie

Jj ngayon na ba uwi nila Tita?

To: Kylie

Yep

Pagkatapos ko siyang replyan bumaba na ko.

"Jayne pakuha mo na yung susi ng kotse ng makaalis na tayo" sabi ni Lola. Kinuha ko na yung susi at sumunod na kay Lola sa may kotse.

"Lola bat kasi kailangan pa kong sumama" iritang sabi ko.

"Ayaw mo bang makita sila Mama mo?" tanong ni Lola.

"La makikita ko din naman sila sa bahay ah" sabi ko.

"Jayne" sabi ni Lola in warning tone.

"La just saying" sabi ko at nagpeace sign.

"RONALDO BILISAN MO!!!" sigaw ni Lola kay Lolo.

"La wag kang sigaw ng sigaw" sabi ko living mega phone daw kasi si Lola nung highschool sabi ni Lolo at paulit ulit ni Lolo na kinukwento yung love story nila  ni Lola.

"Mahal wag kang sigaw ng sigaw" sabi ni Lolo.

"Tse dalian mo na excited na kong makita ang kambal" sabi ni Lola. Pumasok na sa kotse si Lolo at pinaadar na ni Manong yung kotse.

"Lola bakit sinama pa nila Mama yung kambal?" tanong ko.

"Ano namang iwan nila? " sabi ni Lola.

"Pwede naman Lola ah" bulong ko.

"Julia Jayne nagseselos ka pa rin ba?" napatingin ako kay Lola.

Pero hindi ko siya sinagot lumaki ako sa Lola ko kaya hindi ko kaclose ang parents ko.

"Jayne" nag-aalalang sabi ni Lolo.
"Okay lang ako Lola at Lolo" nakangiti kong sabi.

Ngumiti lang din sila.

Pagdating namin sa airport nasa may Arrival Area na pala sila Mama.

"Ma!!!" tawag ni Mama kay Lola.

"Kamusta ang buhay sa States?" tanong ni Lolo.

"Okay naman Pa" nakangiting sabi ni Mama.

"Lola, Lolo" napatingin ako sa may tumawag sila Javie at Jamie malaki na sila siguro mga kasing edad ni Blezy yung kapatid ni Kylie.

"Julia" napatingin ako sa Mama ko.

"Anak namiss kita" aakapin niya sana ako kaya lang lumayo na ko.
"Tara na Lola inaantok na po kasi ako" sabi ko at nauna ng pumunta sa kotse.

Alam kong bastos yung ginawa ko kaya lang masakit kasi eh yung feeling na minsan naa-out of place ako sa kanila. Oo nabibigay nila lahat ng gusto ko kaya lang hindi ko naramdaman yung pagmamahal nila.

Pagkapasok ko sa kotse namin naghead phone lang ako at nagface book.

Napatingin ako sa messenge ni Kylie.

Kylie Villafuente
(active 4 minutes ago)

Jj sasama ka ba?

Napabuntong hininga nalang ako.

To: Kylie Villafuente

San ba?

From: Kylie Villafuente

Mall bukas?

To: Kylie Villafuente

Sure :):):):)

From: Kylie Villafuente

Okay see you tomorrow susunduin ka nalang namin ni Sophie ah

To: Kylie Villafuente

Okay

Narinig kong bumukas na yung pinto ng kotse nasa loob na pala sila umupo sa tabi ko si Mama at Papa pero hindi ko nalang sila pinansin..

"Julia mag-usap tayo mamaya sa bahay" sabi ni Mama.

Pero inirapan ko lang siya.

"Julia" sabi ni Mama in warning tone.

Hindi ko nalang siya pinansin hanggang nakarating kami sa bahay.

Aakyat na sana ako nang hatakin ni Mama yung kamay ko.

"Julia mag-usap tayo" sabi ni Mama at alam kong galit na siya..
"Para san?" tanong ko.

"Julia bat ba nagkakaganyan ka?" sigaw ni Mama.

"Bakit nga ba?" tanong ko.

"Kasi wala kayo dito nung mga panahon na kailangan ko kayo diba? Asan kayo? Nasa ibang bansa sila Lola ang andito that time that I need a parents aanhin ko yang mga binibigay niyong gamit? Ha Ma??? Walang kwenta yan Ma ang kailangan ko kayo ni Papa pero wala kayo!!!" sabi ko at umiiyak na ko.

Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Mama.

"Wala kang alam na nagpapakahirap kami ng Papa mo para lang mapag-aral ka namin" sabi ni Mama.

"Jessica tama na" narinig kong sigaw ni Lola.

"Julia dun ka na sa kwarto mo" sabi ni Lola sumunod na ko at nagtalukbong na lang ng kumot ko.

***

Mahaba habang update po ako ngayon 😄😄😄

It Was Love [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon