Chapter 32 Hurt

1.3K 46 0
                                    

Kylie's POV

Nakakasawa din palang kasama si Kurt.

As in sawang sawa na ko sa mukha niya..

"Hey Kylie okay ka lang?" napatingin ako kay Ace at Sophie.

Teka..

Bakit magkasama tong dalawa?

"Bakit kayo magkasama?" I asked.

"Partner kami sa Science Project" sabi ni Ace at umupo sa tabi ni Sophie.

"Asan si Niel at Julia?" I asked.

"Nagdadate yun" sabi ni Ace at kinain na yung burger niya.

"So? Anong nangyari sayo Kylie? you look stress" sabi ni Sophie.

"Malamang maiistress siya Sophie ikaw ba naman may kasamang playboy lagi" sabi ni Ace at kumain ulit napairap naman si Sophie..

"Nice talking Ace" sabi ni Sophie at hinarap ako ulit.

"So? Nambabae ba?" tanong ni Sophie.

"Malamang mambabae yun Sophie ano namang manlalaki?" tanong ni Ace.

Napairap ulit si Sophie.

"Asan siya?" tanong ni Sophie.

Magsasalita sana si Ace kaya lang tinakpan ni Sophie yung bibig ni Ace.

"Isa pang sabat Ace" sabi ni Sophie nagpeace sign lang si Ace at kumain na lang.

Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko?

"I don't know" walang gana kong sabi.

"Hayaan mo na lang siya Kylie maiistress ka pa niyan eh tignan mo mukhang isang buwan ka nang walang maayos na tulog" nag aalalang sabi ni Ace.

Napangiti na lang ako.

"Tara na may klase pa tayo" aya ni Sophie samin..

"Mauna na kayo ni Ace" sabi ko.

"Sigurado ka?" tanong ni Ace. Tumango lang ako.

Nang makaalis na sila napansin kong papasok si Kurt kasama si...

Nicole..

Yung kaibigan ni Evanjelyn..

Hindi ko alam kung bakit bumibilis yung tibok ng puso tuwing nakikita ko si Kurt actually yun talaga ang dahilan kung bakit iniiwasan ko si Kurt..

Napansin kong napatingin si Kurt dito.

Nagulat ako nang akbayan pa ni Kurt si Nicole si Nicole naman ngumiti lang kay Kurt. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako sa nakikita ko.

I took I deep breath at kinuha na yung bag ko tsaka lumabas na nang Cafeteria.

Hindi ko alam kung pano ako nakapunta dito sa garden. Umupo na lang ako sa isa sa mga bench.

Dapat pigilan mong mafall sa kanya Kylie. Alam mo namang masasaktan ka lang eh.

"Kylie?" napatingin ako kay Niel.

"Ahm.. Niel?" sabi ko at pinunasan yung luha ko.

"Umaano ka dito?" tanong ko.

"Kanina pa ko nakatambay diyan absent kasi si Julia eh" sabi niya.

"Mahal mo ba si Julia?" I asked. Natigilan siya.

"Hindi" sabi niya.

"Bakit mo kailangan papasukin sa ganyang set up si Julia, Niel?" inis kong tanong.

"Para makapag move on" sabi niya.

"So? Ano ngayon si Julia? Ha Niel? Rebound?" tanong ko.

"Wala kang alam Kylie" sabi niya.

"Pero bakit kailangan mo pang idamay si Julia sa mga kalokohan mo?" I asked.

"Hindi mo kasi naiintindihan Kylie kaya ko 'to ginagawa kasi nga gusto kita" sigaw niya. Natahimik ako.

"Gus.... to.. mo.. ako?" nauutal kong sagot.

"Hindi ka lang pala manhid bingi ka pa" bulong niya.

"Pero.. Niel.. hanggang--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang magsalita siya.

"I know naman Kylie" nakangiti niyang sabi.

"So? Bakit pala namumula yang mata mo?" tanong niya.

"Wala" I lied.

"Your not a good liar Kylie" sabi niya at nagsmirk.

"Ex ni Kurt si Nicole" sabi niya.

Hindi ako nagsasalita..

"Nagkabalikan yata sila ulit nang malaman ni Nicole na ipapakasal ka nang Lolo mo kay Kurt" pagpapatuloy niya.

So? Kaya pala.

"Tapos nung sinundan ko sila last week narinig kong ipapatigil ni Kurt yung kasal niyo para lang kay Nicole" sa sinabi niyang yun paramg unti unting nadurog yung puso ko.

"May gusto ka ba kay Kurt?" tanong niya.

Natigilan ako.

"Hindi ko alam" sabi ko.

Huminga siya nang malalim.

"Alam mo Kylie kung gawin man yun ni Kurt para kay Nicole isa siyang malaking tanga" sabi ni Niel. At duon na ko napatingin sa kanya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi papakawalan ka pa niya para lang kay Nicole na minsang sinaktan na siya" seryoso niyang sabi.

Napatingin ako sa may Hall way napansin kong nakatayo dun si Kurt habang nakapamulsa pa at nakatingin samin ni Niel.

Inirapan ko lang siya at tumingin kay Niel.

"Bakit hindi na niyo kasama minsan si Kurt?" I asked.

"Hindi ko din alam basta one day kami na lang pala ni Ace ang magbest friend" sabi niya at tumayo na.

"Ingat sa pagbalik sa room" sabi niya at umalis na.

Napatingin ako muli kay Kurt and his looking at me.

Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na lang ako sa may garden ng school.

Kailangan kong pigilan na mafall sa kanya....

Alam ko naman na hindi ko mapipigilan ang sarili ko pero kakayanin ko.

Ayoko lang kasing masaktan..






***

Next chapter will be posted soon.

It Was Love [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon