Chapter 34 Sleep Over

1.4K 48 0
                                    

Sophie's POV

Tahimik lang akong nakikinig sa music nang mapansin kong tumatawag si Ace.

"Hello?"

["Ahm.. Ano kasi Sophie.. Pinapapunta nga pala kayo ni Kylie dito sa may bahay nila yun lang bye"] napairap na lang ako at napansin kong active si Kylie kaya chinat ko na lang siya.

Sophie Lealyn Lee- Kylie bakit pala kami pupunta diyan sa inyo?

Kylie Villafuente- Pleaseeee sleep over tayo on the way na daw sila Niel.

Nagulat ako kasama yun?

Sophie Lealyn Lee- Bakit kasama sila Ace?

Kylie Villafuente- Trip ko lang😂✌

Sophie Lealyn Lee- Okay on the way na.

Pagkatype ko nun ay bumangon na ko sa kama at pumunta sa may Walk in closet ko inayos ko na sa back pack lahat nang gamit ko since wala namang pasok bukas.

"Where you going Sophie?" tanong ni Mama Samatha.

"Mag sleep over lang po kila Kylie" I said while smilling.

Hindi ko din alam basta one day close na kami nang step mother ko although umaasa pa rin akong siya si Mom talaga.

Ngumiti lang siya at tinulungan na ko sa pag-aayos.

"So? Ipapahatid ba kita or you bring your own car?" tanong niya.

Hindi pa ko nakakasagot nang magsalita si Dad.

"Sophie ang tagal mo yata kanina pa dito si Ace" nanlaki ang mata kong napatingin sa may sala at nandun si Ace na mukhang naistorbo ang tulog. Hahaha.

"Ahm... Sige po Dad at Mama una na po kami ni Ace" sabi ko at hinila na ang inaantok na si Ace.

"Where's your car?" I asked him.

"Ayun" turo niya sa may driver na naghihintay samin.

"Tara na po ba Young Master?" tanong nang driver tumango lang si Ace at pinagbuksan niya ako nang pintuan sa may likod pagkapasok ko ay pumasok na din siya.

"Bakit sinundo mo pa ko?" I asked.

"Para hindi ka na hassle" sabi niya at dinantay ang ulo niya sa may balikat ko. Nagulat ako magsasalita na sana ako nang magsalita siya.

"Hanggang makarating lang sa bahay nila Kylie please gusto ko lang umiglip" sabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siyang matulog sa may balikat ko. Napangiti na lang ako malamang kasi inistorbo siya ni Kylie.

Nang makarating na kami sa bahay nila Kylie.

"Ace gising" sabi ko buti na lang nagising na rin siya at binuksan niya na yung pintuan nang sasakyan duon ko lang narealize na nakapajama siya at naka white t-shirt at naka tsinelas lang ang cute.

"Sorry Sophie kung naistorbo pa kita" sabi ni Kylie.

"Hindi lang siya 'no" sabi ni Niel at Ace.

Kaya nagtawanan kaming tatlo nila Julia.

"Sige bumalik na kayo sa pagtulog boys" natatawang sabi ni Kylie.

"Ano ka inistorbo na nga kami kaya sasali na rin kami" natatawang sabi ni Niel at umupo sa may carpet dito sa may Family Room nila Kylie. Napansin kong humiga si Ace sa may sofa at nagtalukbong nang kumot.

"Dito ba tayo matutulog?" I asked Kylie.

"Yep" sabi niya at tinawag yung Yaya niya at pinadala yung gamit ko sa may kwarto niya.

Napatingin kaming lima nang bumukas yung pinto. Oo naming lima gising pa naman kasi si Ace.

"Can I join?" tanong ni Blezy.

"Ofcourse No" sabi ni Kylie napapout naman si Blezy.

"Pleasee Ate" pagpapacute niya kay Kylie.

"Blezy go back to sleep" sabi ni Kylie.

Umirap si Blezy.

"Tss" sabi niya at lumapit sa may pintuan.

"I hate you Ate" sabi niya at nagflip pa siya nang hair kaya natawa kaming lahat.

"So? Movie Marathon muna tayo?" tanong ni Kylie.

"Sure" pagsang ayon namin.

"Guys please wag romantic maa out of place kami ni Ace niyan eh" natatawang sabi ni Niel.

"Horror na lang" suggest ni Ace.

"Sige" sabi ni Kylie at kumuha nang CD.

Umupo si Niel sa tabi ni Julia at inakabayan niya 'to mukhang parang sila na talaga although sila naman talaga kaya lang isang Deal lang ako naman umayos ako nang upo at sumandal sa may sofa na hinhigan ni Ace. Si Kylie naman umupo dun sa may solo na sofa.

"Are you afraid on ghost?" tanong ni Ace umiling ako.

Tumango tango na lang siya.

Nagsimula na nga yung movie actually hindi naman talaga ako takot sa Horror films kaya lang bakit parang mas lumamig dito sa family room nila Kylie? Malakas ba yung aircon? Naramdaman ko na lang na may nagkukumot sakin.

Napatingin ako kay Ace,

"Sayo muna yan halatang nilalamig ka kasi sa suot mo" sa niya napatingin ako sa suot ko na white t-shirt ako at nakashort lang pala.

"Thanks" sabi ko at bumalik sa panonood napatingin ako sa mga kasama namin. Si Julia at Niel nakatulog na while si Kylie ay busy sa pagkain nang pop corn niya napatingin naman ako kay Ace. He's sleeping na rin. Pinikit ko na lang muna yung mata ko dahil inaantok na talaga ako.

~^~^~^~^~

Kylie's POV

Napatingin ako dito sa mga kasama ko mga tulog na. Huminga na lang ako nang malalim at pinatay na yung TV. Actually hindi pa naman ako inaantok kaya bumaba muna ako napatingin ako sa may sala nandun si Mom, Dad at si...


Kurt..



"Dad what he's doing here?" tanong ni Blezy.

"Blezy fiance siya nang Ate mo" sabi ni Dad.

"Diba Dad ang fiance dapat mahal ang fiance niya pero hindi naman niya mahal si Ate ah in fact pa nga may girl friend yan" irap na sabi ni Blezy.

Napatingin si Dad kay Kurt.

Tumayo si Dad at pinasunod si Kurt napatingin si Mom at Blezy dito sa taas at nagulat sila nang makita ako umakyat si Mom at Blezy dito.

"Ano.. Ate sorry nainis lang ako sa kanya eh" sabi ni Blezy.

"No it's okay" sabi ko.

"Mom, pasabi kay Dad itigil na lang yung kasal" sabi ko.

"Buo na ang desisyon nila Lolo mo Kylie" sabi Mom.

"Tulog na tayo Ate" pag aaya ni Blezy at hinila na ko sa Family Room namin kung asan sila Ace..

"Matulog ka na Ate don't let any tears sa mata mo kasi masasapak ko yung Kurt na yun hihingi pa ko nang resbak kila Kuya Ace" natatawa niyang sabi.

Ngumiti lang ako.


Nicole is totally back...



***

Si Nicole po yung bumalik

Still remember Chapter 4?

Si Nicole po yung sinasabing nagbalik yun lang 😊

~~Yanna_al

Next chapter will be posted soon 😉

It Was Love [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon