Chapter 43 Battle Of Two Sanchez

1.3K 42 0
                                    

Kurt's POV

Ilang araw ko ng iniisip na tinigil na daw ng mga Villafuente ang pagpapakasal namin ni Kylie.

Diba dapat masaya na ko ngayon kasi pwede na kami ni Nicole pero hindi ako masaya.

Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad ko dito sa may hallway hindi nga pala kami nagkakausap nila Ace dahil nilalayuan nila ako. Kasalanan ko naman kung bakit eh..

Papasok na sana ako sa may room ng mapansin kong sabay pumasok si Keifer at Kylie. At tang*na magkaholding hands pa.

Hindi kaya sila na?

Pero sh*t nagseselos ako.

Lalapit sana ako sa kanila ng bigla akong hinila papasok ni Ace.

"Ace" tawag ko sakanya.

"Mag-usap tayong tatlo nila Niel mamayang uwian" sabi niya at bumalik na sa upuan niya.

Hindi man lang hinintay yung sagot ko.

Umupo na lang din ako sa may upuan ko.

Napansin kong pumasok na sila Keifer. Hindi kaya si Keifer ang pinalit ni Lolo sakin? Para pakasalan si Kylie? Hindi kaya inako ni Keifer yun? Kasi matagal ng may gusto yang mokong ko na pinsan kay Kylie.


"Hey babe tulala ka yata" sabi ni Nicole napansin kong napatingin dito si Kylie pero inirapan niya lang kami.

"Nicole mag-usap tayo mamaya" sabi ko.



"Huh? For what naman?" she asked. Tang*na bakit ngayon ko lang narealize na mahal ko na pala si Kylie? Bakit ngayon ko lang narealize? Kung kelan may iba na siyang kaholding hands.


"Basta magkita tayo mamaya" sabi ko at nilabas na lang yung phone ko at nag-ear phones na lang.


Tumahimik na lang din si Nicole tinignan ko yung buong room. Yung iba naming mga kaklase may mga sariling mundo yung iba naman nagliligawan.

Napatingin ako kay Ace at Evanjelyn na nagkwekwentuhan at kay Sophie na naka-ear phones lang din na mukhang may iniisip. At kay Julia at Niel na hindi nagpapansinan ngayon.



And last napatingin ako kay Kylie at Keifer na nagliligawan doon sa sulok.

Gusto kong hilahin ngayon si Kylie at makipag-usap sa kanya kaya lang hindi ko magawa kasi wala akong karapatan. Hindi ko magawa kasi nga HINDI NA AKO ANG FIANCE NIYA.

Kainis..

***

Lunch na

Hindi muna ako pumunta sa may Cafeteria kasi kailangan ko na talagang makausap si Nicole.


"Nicole ngayon na tayo mag-usap" sabi ko.


"Sige" sabi niya at umupo sa may bench.


"So? Anong pag-uusapan natin?" tanong niya.


"Nicole.. Mahal--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.


"Kurt, Alam kong mahal mo na si Kylie. Alam ko yun wag kang mag-alala hindi ako magiging sagabal sa inyo although alam kong naging sagabal na nga ako alam mo Kurt nararamdaman ko yang nararamdaman mo ngayon. Kurt.... Kaya ako umuwi dito sa Pilipinas kaya ako bumalik... Hindi dahil sayo... Kundi dahil kay Keifer... Naging kami nung naghiwalay tayo... Kaya lang sumuko ako at hindi ko kinaya ang LDR relationship kaya nakipaghiwalay ako sa pinsan mo pero Kurt... Nung umuwi ako dito sa Pilipinas kala ko may babalikan pa ako pero nung nakita ko sila ni Kylie na masayang magkasama napaisip akong wala na pala akong babalikan I try to talk to him pero hindi niya ko pinapansin kaya kita binalikan Kurt... Para kay Keifer pero wala... Walang nangyari.... Sa mga ginawa ko... Hindi na nga niya ako mahal... Hindi na niya ako mahal kasi kung mahal niya ko... Diba dapat magseselos siya? Kasi nakita niya tayong magkasama pero hindi Kurt eh.." umiiyak na sabi niya inakap ko na lang siya.

Ngayon ko lang siya ulit nakitang umiiyak. Ngayon lang ulit simula nang maghiwalay kami.

"Umamin si Kylie sakin dati... Pero ang tanga ko kasi binalewala ko lang siya." sabi ko.

"Quits lang tayo parehas tayong tanga Kurt sinobrahan mo lang yung sayo" sabi niya.


Sinobrahan ko nga ba talaga?

Naging manhid na pala talaga ako.


Pero tsk hindi ako katulad ni Ace na hanggang ngayon hindi napapansin na mahal siya ni Sophie.

I think this battle is between me and my cousin..


Sanchez vs. Sanchez?




***

Kylie's POV


Lumabas na ko ng room dahil lunch na para tawagin sila Ace. Dahil ng lunch na like duh nagugutom na ko.

Maglalakad na sana ako ng mapansin kong umiiyak si Nicole habang yakap siya ni Kurt doon sa may bench...
.


Sabi ko magmomove on na ko kay Kurt. Pero bakit ganun? Nasasaktan ako.


"Oh Kylie tara na" yaya ni Ace at ni Sophie.


"Ahm... Ah... Oo.. Tara na" sabi ko at sumama na sa kanila.

"Ah Kylie mauna na pala kayo ni Sophie pupuntahan ko pa kasi sa may library si Evanjelyn eh" sabi niya. Tumango lang ako at umalis na.

"Okay ka lang Sophie?" I asked.

"Hindi Kylie" sabi niya.

"Huh? Bakit?" I asked.


"Bakit ganun? Ayoko dati na laging kasama si Ace pero bakit ngayon? Namimiss ko siya namimiss ko yung kulitan namin" sabi niya.


"Hindi lang ikaw Sophie" sabi ko.

Hindi naman si Ace ang namimiss ko kundi ang dating kami.


I mean kami nila Julia, Niel, Sophie, Ace, Kurt at ako yung dating nag-aasaran lang kami ngayon.


Si Julia at Niel may hindi pagkakaintindihan.


Si Sophie at Ace nagtataguan ng feelings.

Ako? At si Kurt..

Hindi na kami Fiance.


Tinigil na kasi ni Lolo ang pagpapakasal ko. Kasi bata pa naman ako.



Mababalik pa ba yun?



Mababalik pa ba yung dating pagsasamahan naming anim?





***

Next Chapter will be posted soon.










It Was Love [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon