Ace's POV
Nakakaboring talaga kapag Science ang subject.
"Mr. Ashford" agad akong napatayo ng tawagin ako ni Ma'am..
"Ms. Lee, Ms. De Leon and Mr. Guzman" kaya napatayo na rin sila.
"Okay Ms. Lee sinong kukunin mong partner?" tanong ni Ma'am.
"Si.. Ace po" sabi niya nagulat naman ako.
"Okay so were settled" sabi ni Ma'am at umupo na kami.
"Sophie bakit ako yung pinili mo?" tanong ko.
"Like duh ayoko namang kapartner si Kris" sabi niya.
Napatango na lang ako.
Nga naman kahit sinong babae hindi pipiliin na maging kapartner ang mayabang na Kris na yun.
Napansin kong nakatingin sakin si Evanjelyn kaya napatingin din ako sa kanya. She just smile at me kaya ngumiti lang din ako.
"Ehem" napatingin ako kay Sophie.
"Why are you looking at?" mataray niyang tanong.
"Masama?" tanong ko.
"Tss" sabi niya at nakinig na kay Ma'am.
Pagkatapos nang klase hinila ko na agad si Sophie.
"Hoy bat ka ba nanghihila?" tanong niya.
"Pag usapan na natin yung sa Science" sabi ko.
"Tss oo na lang" sabi niya at dumeretso sa may Cafeteria.
"So? Ano uunahin natin?" tanong ko.
"Hindi ba pwedeng kumain muna tayo" sabi niya at pumunta sa may counter napansin kong wala si Kurt at Kylie pati si Julia at Niel.
"Asan pala yung mga kaibigan natin?" tanong ko.
"Ay hindi ka updated?" tanong niya at tumawa.
"Hindi?"
"Well si Julia at Niel na" sabi niya nanlaki yung mata ko.
Seriously?
Si Niel at Julia?
"Wews pinagloloko mo ko Sophie eh" sabi ko.
"Ano ka? Im just stating the fact here" irap niyang sabi..
"Okay maniniwala na peace tayo" sabi ko at nagpeace sign.
"San tayo maggagawa ng project sa Science?" tanong ko.
"Sa bahay na lang namin" sabi niya.
"Okay anong oras?" tanong ko.
"Ahm.... Anong oras ba?" sabi niya at napaisip siya.
"1:00 PM" sabi niya.
"Sige" sabi ko at kinain na yung pagkain ko.
Napatingin ako sa facebook sa post ni Niel.
Niel Cruz added two new photos with Julia Reyes
Silang dalawa ni Julia yung nasa dalawang picture.
May something talaga eh.
=^=^=^=^=^=^=^=^=
Sophie's POV
Ang tagal naman yata ni Ace.
Napatingin ako sa phone ko at 1:15 na pero wala pa siya kainis naman eh.
Napatingin ako sa messenger ko ng magnotif yung message niya.
Ace Ashford: Sophie sorry late ako makakapunta may inayos lang kasi si Mom tapos nagpasama sakin papunta naman na ako eh😅✌
Sineen ko lang siya.
Nagscroll lang ako sa fb ko nang mapatingin ako sa post ni Julia..
Julia Reyes
Sometimes you have to deal with him👍
Like⭕Comment⭕Share⭕
Niel Cruz and 1,000 friends like thisI think si Niel yung tinutukoy nitong bruha na 'to.
Napatingin ako sa bumusina si Ace.
"Late ka ng 30 minutes" sabi ko.
Nagpeace sign lang siya.
"Tara na nga" sabi ko at pumasok na kami sa loob.
***
Next update will be posted soon😅😉
BINABASA MO ANG
It Was Love [Under Editing]
Teen FictionAnim na magkakaibang tao Pero pagtatagpuin ni Tadhana ano kayang mangyayari? Would they just met and just be a enemies? Or maybe they just met and realize that It Was Love. Book 2 : Just Love