Julia's POV
Napansin kong ako lang pala mag-isa dito sa room.
Napatingin ako sa buong room at sa wall clock.
6:30 palang naman ang usual na pasok nang students dito ay 8:00.
Agad akong napatingin sa pumasok sa may room..
Si Niel?
Seriously?
Ang isang Nathaniel Cruz papasok ng ganto kaaga?
"Makatingin ka naman Julia" sabi ni Niel at umupo sa upuan niya.
"Julia!!!" agad akong napatingin sa kanya.
"Bakit?" irap kong tanong.
"Wala lang" sabi niya at tumawa.
Malaki na ang sira niya sa utak.
=____=
"Nathaniel" napatingin kami ni Niel sa tumawag sa kanya.
Si Evanjelyn.
"Bakit?" tanong ni Niel.
"Nakita mo ba si Ace?" tanong niya.
"Wala pa si Ace sa tingin mo ba papasok yun ng ganto kaaga?" pilosopong sabi ni Niel.
Natahimik si Evanjelyn.
"K fine" sabi ni Evanjelyn at nagwalk out na.
"Uy ang sama mo kay Evanjelyn" irap kong sabi sa kanya.
"Eh? Tinanong niya lang naman ako nang sagot na alam naman niya" sabi niya.
"Kahit na babae siya Niel you should learn some respect" sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo na yan Julia broken hearted kasi" singit ni Ace.
Nanlaki yung mata ni Niel na napatingin kay Ace.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Niel.
"Ahm... Actually kakasalubong ko lang kay Evanjelyn tapos dumeretso na ko dito" sabi niya.
"Ano yang hawak mo?" tanong ni Niel.
"Ah.. Brownies nagbake daw kasi sila Evanjelyn tapos binigay niya sakin 'to dahil tinulungan ko daw siya kahapon" sabi ni Ace at umupo na.
Napatingin kaming tatlo kay Sophie.
At yung bruha?
Hindi kami pinansin at umupo lang sa upuan niya.
"Anong nangyari dun?" tanong ni Ace.
"Aba malay namin" sabi ni Niel.
Napatingin kami sa sabay na pumasok sa room si Kurt at Kylie.
"Bakit sabay kayo?" tanong ni Ace.
"Lolo called us kanina kaya nagsabay na kaming pumasok" sabi ni Kylie.
"Anong sabi ni Lolo?" tanong ni Ace.
"You know arranged marrige stuff" irap na sabi ni Kylie at umupo na sa upuan niya.
Napansin kong tahimik lang si Kurt.
Nagkatinginan si Ace at Niel.
Hinila na lang bigla ni Ace sa labas si Kurt.
Malamang mag-uusap yun.
"Bakit hindi ka sumama?" tanong ko.
"Ace can handle that" simpleng sagot niya.
Magsasalita na sana ako kaya lang inunahan na niya ako.
"Let's have a deal" sabi niya.
"Anong deal?" tanong ko.
"Magiging tayo in 3 months deal?" tanong niya.
I froze in his question.
"Are you drunk?" tanong ko sa kanya.
"Am I look like?" irap niyang tanong.
Napatingin ako sa buong classroom..
Kami lang pala ni Niel yung nandito sa room..
"Huy ano deal?" tanong niya.
Ano nga bang sasabihin ko?
Shit
"Let me think about it" sabi ko.
"Ay simpleng oo o hindi lang naman eh" pagmamaktol niya.
"Like duh bigla ka na lang kayang nag--"
"Bakit natatakot ka bang mafall sakin?" tanong niya at nagsmirk.
Anak ng...
Hinahamon niya yata ako ah.
Well I accept his deal.
"Like duh ako mafafall sayo? That's a big mistake" sabi ko.
"So? Pumapayag ka na?" tanong niya.
"Okay just 3 months" sabi ko.
"Sure magstart tayo tomorrow babe" sabi niya at iniwan na ko.
Papatunayan ko sayo na hindi ako mafafall sa mayabang na Nathaniel Cruz na yan..
Let's the game begins...
Nathaniel Cruz.
*smirks*
****
Next chapter will be posted soon..
Guys expect niyo na po na laging Tuesday or Friday basta po may update sa dalawang araw na yun
Yun lang po 😊
❤ yanna
BINABASA MO ANG
It Was Love [Under Editing]
Teen FictionAnim na magkakaibang tao Pero pagtatagpuin ni Tadhana ano kayang mangyayari? Would they just met and just be a enemies? Or maybe they just met and realize that It Was Love. Book 2 : Just Love