Chapter Eighteen - wwhhaaaaaattt ???

104 4 0
                                    

"hmm..hmmm..hmmmm..."

"hoy asya !! ano bang ginagawa mo dyan ?! kanina ka pa pabalik balik dyan ah ! whats the matter ba?"

andito kami ngayon ni becca sa kwarto ko..walang pasok kaya pinapunta ko sya dito...

"eh kasi..becca... di parin ako tinitext ni fritz,..tatlong araw na.."

oo, eversince nung day na nanood kami ng sine, hindi na sya nag titext saken..nagkikita naman kami sa school pero parang binibigyan nya ako ng 'cold treatment'..

"baka naman may nagawa ka o di kaya may nasabi sa kanyang masama.?" sabi ni becca habang nakahiga sa aking kama..

wala namang nangyaring masamanung nag date kami ah !

*flashback*

~~sa greenwich

"ano gusto mong kainin becca?" tanong sakin ni fritz..

"uhm, gusto ko lasagna, tapos yung beef and mushroom tsaka pepperoni overload pizza" ^____^

"kaya mo lahat yun?"

"oo naman! gutom ako eh, bakit ba?" hoho ! dahil may kasalanan ka sakin fritz! humanda ka sa tyan ko !! @o@

"sige, kaw bahala..maghanap ka na muna ng upuan natin" napakamot na lng ng ulo si fritz.. haha !

naghanap na ako ng upuan at yun! merong vacant na couch..agad akong umupo dun at hinintay si fritz..

at ayun na sya !! agad akong nag wave sa kanya..

habang lumalakad say papalapit sakin, parang nag slow mo bigla..yung parang unang beses na nagkita sian bella at edward..lahat ng tao nawala tapos sya lang nakikita ko..di ko tuloy maiwasang pagmasdan sya...

matangkad, maputi, gwapo, hindi payatot, tsaka pinagtitinginan ng mga babae...

O_O

teka !! pinagtitinginan ng mga babae?!!

"hoy asya !! anong tinitingnan mo??"

ay! andito na pala sya...

"andami mong fans ah" tinutukoy ko yung mga flirty girls na nakatitig sa kanya.. tss!! kala mo nakakita ng artista eh! kulang nalang magtitili sila sa sobrang kilig !!

"fans? saan??" lumingon sya tsaka nag wave ang ibang babae sa kanya.. aba !! ang mokong, nag wave din!! hmp!

"oi! anong sinisimangot mo dyan?? selos ka noh?"

"ha-ha ! selos your face ! bakit naman ako mag seselos, aber??" tss!! selos daw?! mukha nya!

"kasi mahal mo ko.." seryoso nyang sabi sakin, na shock naman ako at feeling ko, namumula na naman ako..

"wag kang mag alala, mahal din naman kita eh.." meron syang binulong kaya di ko narinig..

"ano sabi mo?"

"sabi ko--" and like on cue..dumating na pagkain namin..

pagkatapos naming kumain, hinatid na nya ako sa bahay..

*end of flashback*

"oh, ok naman pala kayo eh..problema ni daddy?"

*tootoot tootoot*

oh! may nagtext ! sana si fritz !!

"hi asya! kumusta?" from vince.

haii, si vince na naman.. kung sino pa ayaw mong maka usap, yun pa magpaparamdam sayo..

~Polystene High~

naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin papuntang room.. medyo excited na kinakabahan ako kasi, makikita ko si fritz.. namiss nya kaya ako? kasi ako, miss na miss ko na sya..

pagpasok ko sa room, hinanap ng mata ko si fritz at agad akong napatigil sa paglalakad sa nakita ko..

si fritz....

at si anne???

nag uusap??

si anne yung kaklase kong sobrang tahimik..medyo close rin naman kami..hindi yan pala kwento kaya nag tataka ako kung bakit parang ang close close nilang tingnan ni fritz..

umupo na ako pero hindi pa rin ako tinitingnan ni fritz..nakikita nya naman ako di ba? bakit ganon? hindi nya ko kinibo then all of a sudden, close na sila ni anne?? ng ganon ganon lang??

"ok class, malapit na yung 4th grading exam nyo, nakastudy na ba kayo?"

malapit na rin pala yung exams.. napatingin ako kay fritz at !!

ano to??

nagpapasahan sila ng note ni anne!!

aba !! nakakainis na ah ! alam kong wala akong karapatan magalit pero, galit na galit ako ngayon sa kanya.. sa kanila !

"bilang filipino teacher nyo, mag kakaroon tayo ng dula dulaan.. Florante at Laura.. mahahati kayo sa dalawang grupo..blah blah blah..."

bakit ganon? feeling ko, tinatraydor ako??

natapos ang araw ko at wala manlang pumasok sa kokote ko.. di ako maka concentrate! tae lang!

gabi na at napagpasyahan kong itext si fritz..

"fritz?"

ilang minuto bago sya nakapagreply...

"ano??"

sniff.. na iiyak na ako..bakit kay bilis mag bago ng pagtrato mo sakin fritz?? ToT

hindi na lang ako nag reply and cried myself to sleep..

February 14, valentines day

papasok ako sa gate ng ma notice ko na me nagtitinda ng mga roses sa labas.. anong meron?? ay, oo nga pala.. valentines day.. =___=

ok naman yung araw ko, nagkaroon kami ng vacant time buong maghapon dahil may program patungkol sa valentines day..tss!!

nagpapractise kami ng florante at laura at ako ang pinili nilang laura.. si vince naman ang florante..at nasa kabilang grupo sina fritz at anne!! kainis !!

"ok guyz, break muna tayo.." sabi ni daisy, yung leader namin..

umupo ako sa isang bench malapit sa field.. sa field kasi kami nag papractise..tanaw ko yung grupo nila fritz.. hmp! sya siguro si florante tapos si anne si laura..

aish !!! NAKAKA !!!

*klank!*

ha? ano yun? posas?? bakit ako pinosasan?? may nagawa ba akong kasalanan??

waaahh !!!!!!!! im innocent !

"sumama ka samin..."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

My Silent Guitarist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon