Fritz' POV
"uhm..dun tayo sa may bench.."
tahimik lang na sumusunod si Asya sakin. haii.... sana hindi kami ganito ka awkward...
umupo na kami pero pareho parin kaming tahimik, ilang minuto rin bago sya nagsalita..
"akala ko ba may sasabihin ka? bakit ang tahimik mo dyan? anong hinihintay mo? pasko?"
"uhm, Asya..gusto ko lang mag sorry sayo...kasi...kasi..."
"kasi ano? kasi hindi ka na nagtetext? kasi hindi mo na ako pinapansin? kasi close na kayo ni Anne? sus.. ano ka ba? ok lang noh.. di mo kailangan mag sorry..hindi naman tayo eh.." sabi nya sakin na naka taas pa ang isang kilay nya.. haiiz..
kahit na mataray yung pagkakasabi nya sakin, narinig ko sa boses nya na may bahid ng sakit..
shit!! nasaktan ko sya.. !
"Asya, alam kong napakalaking gago ko para iwasan ka nang basta basta, di ko yun sinasadya..sadyang may mga bagay lang talaga akong inaasikaso..sana maintindihan mo.." napayuko ako habang nagsasalita.. gagu mo talaga Fritz, bakit kailangan mong magsinungaling?
nakita kong nanginginig si Asya, agad naman akong napatingin sa kanya, shit! iiyak ba sya?
"naiintindihan ko naman yun eh, na may inaasikaso ka" namumutawi na ang luha sa mga mata nyang magaganda.. damn! ayokong nakikita syang ganito..!
"pero bakit kailangan mo kong iwasan? pwede mo namang sabihin nalang sakin diba?" patuloy nito.
tumulo na yung luhang alam ko kanina nya pa pinipigilan..pinahid ko yun gamit ang palad ko at hinawakan yung mukha nya..
"sorry Asya.. sorry kung nasaktan kita..di ko na yun uulitin..ayokong nakikitang ganyan ka..sorry, tahan na please.."
niyakap ko sya ng napakahigpit..God, i miss her! inamoy amoy ko pa yung buhok nya habang hinahagod hagod ito..amoy bulaklak..
kumalas kami sa pagkakayakap ng may sumigaw, "oi! wag kayong mag honeymoon dito!"
napatawa kami tuloy..
"tara na nga! sa iba nalang tayo mag honeymoon! aray!" sakit nun ah! batukan ba naman ako ng asawa ko? im a battered husband.. T_T
"adik ka talaga!" sabi nya sabay tawa
"haha tara na, asawa ko.."
~~Polystene High
~Dula dulaan day (Florante at Laura)
Asya's POV
naku! ano ba yan... kinakabahan ako ng bongga! baka kasi makalimutan ko yung linya ko..
lahat kami, abalang abala sa pag aasikaso ng props tsaka costumes.. nung naka settle na yung lahat, pumunta sa harap yung 2 leader namin at bumunot ng number kung sino mauuna.. at! sa kamalas malasan nga naman oo!! kami pa yung na una!
nagsimula na kaming pumunta sa posisyon namin.. habang umaacting kami, ilang beses kong nakita sina Fritz at Anne na nakatitig sakin.. bakit kailangan nilang magtabi? porke magka loveteam sa play?? pssh!!! bitterness!!
natapos na kami at naging successful naman ito.. sunod na pumagitna yung grupo nila Fritz..
tahimik lang akong nanonood sa kanila...
"Ito'y nangyari sa akin, nung sandali'y ako ay malasin, ngayo'y di ko alam aking gagawin, hayaan ko na lang ang tadhana ang lumapit sakin"
"Oh, Floranteng aking iniibig, akalain nating dito tayo magkikita, ang landas natin ay pinagtagpo ng tadhana, tadhanang minsa'y napakadamot sa madla"
bakit parang makatotohanan ang ginagawa nila? feeling ko lang ba to? o baka magaling lang talaga sila mag act?
natapos na ang lahat at binigyan kami ng mataas na grado...
nagliligpit na kami ng mga gamit namin at handa ng umuwi..
"bestie, ma una na ako ha.. may pupuntahan pa kasi ako.." sabi ni Becca na halata ngang nagmamadali
"oh sige..ingat ka ha..." tsaka sya umalis
di pa nga ako nakapag palit kasi tumulong pa ako sa pagliligpit ng props namin..
kasama ko pa naman yung lima sa grupo namin at andito pa sila Fritz at Anne...
hay naku! umabot bigla sa boiling point yung dugo ko!!
pumasok na ako sa Cr para magpalit, since nasa room lang naman yung cr, maririnig mo parin yung ingay sa labas..
"alam mo ba Fritz, tinanong ako ng ate ko kung boyfriend ba kita, kasi lagi kitang katext,tapos sabi ko, hindi ah! bakla kaya yan! hahaha!" teka? si Anne yun ah? so lagi pala silang nag tetext ni Fritz, tapos sakin ni isa,wala?
"adik ka talaga! ginawa mo pa akong bakla! hahaha!" napahinto ako sa pagbibihis para makinig sa kanila..
"eh ba't di nalang kasi natin totohanin yung pagiging magsyota natin, diba? edi sana, di na kita ipapakilalang bakla!"
Ano Daw??
"kaw talaga..tara na nga.."
biglang huminto yung mundo ko.. bakit ganon? ang sakit!
lumabas na ako ng matapos na akong magbihis..tulala akong lumalakad patungo sa bag ko..
"uy, Asya! ok kalang?" tanong ng isa kong classmate
"ha? ah, eh.. o-oo..ok lang a-ako..ah, cge ha, ma uuna n-na ako..b-babye" alanganin akong ngumiti at naglakad paabas ng room..
hindi ko maintindihan.. sila na ba? o di kaya, getting there? eh diba ayaw akong masaktan ni Fritz? eh bakit ngayon palang sobrang sakit na ang naibigay nya sakin?
napaupo ako sa bench namin..ayoko pang umuwi..magpapahangin muna siguro ako dito..
habang nag mumuni muni ako, nakita ko si Gabriel, yung kabanda ni Fritz..
"ui Asya! dito kapa pala! hindi ka pa ba uuwi. ?" naglakad ito patungo sakin at umupo sa tabi ko..
"ah, eh..Gab..kasi.."
"oh? bakit ang lungkot mo? nag away ba kayo ni pareng Fritz? naku, Asya..ano bang nangyayari dun?" tanong nito na takang taka..
"ha? bakit?"
"kasi dati, puro pangalan mo lang yung bukambibig nung ungas na yun, kamuntik ko na nga syang batukan eh.." napatawa naman ako dun..
"pero ngayon, parang antahimik na nya..para bang may tinatago..pero di naman nag she share samin.. ewan ko ba dun, akala ko nga nag away kayo eh.."
may tinatago si Fritz? di kaya...yung tungkol sa usapan nila kanina ni Anne?
"alam mo Asya, mag usap kayo, makakatulong yun sa pag sagot sa mga katanungan mo..
napangiti ako kay Gab..grabe.. who would have thought na mag aadvice to saken..
"salamat Gab ha.."
"wala pa nga akong ginagawa eh..hehe..oh, tara na.. sabay nalang tayo umuwi..
tumango ako sa kanya at nakisabay na ring umuwi..
bukas..malalaman ko na sikreto mo Fritz..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Anne on the side :)
BINABASA MO ANG
My Silent Guitarist (COMPLETED)
Teen FictionBecause loving someone takes a lot of effort and sacrifices.