Chapter twenty-one - teardrops

94 2 0
                                    

Anne's POV

"papunta na ako" text sakin ni Fritz yan..sabado ngayon kaya inaya ko syang mag mall..

gusto ko si Fritz? oo..obvious naman diba? at alam kong may mabuting pag uunawaan sila ni Asya..pero hindi pa naman sila diba? may chance pang maging akin sya..

kung iniisip nyong bitch ako..ok lang.. tanggap ko.. kasi nagmamahal lang naman ako eh.. kung kayo ba sa sitwasyon ko? gusto nyo yung tao pero may mahal ng iba and fortunately, hindi naman sila. so ano gagawin mo? tutunganga lang? no, not me.. im not gonna give Fritz up without putting effort to have him..

hinihintay ko sya dito sa jollibee at ilang minuto pa ay andyan na sya..the love of my life..

"hi Fritz! tara?" tanong ko

"yah, lets go"

pumunta muna kami sa artwork at tumingin tingin ng mga damit tapos naglibot libot pa sa department store...

buong paglilibot namin, panay text nya.. si Asya kaya yan? tzk! hindi maaari!

"Fritz, punta tayo sa arcade!"

hinila ko na sya para di na makatanggi... dapat mawala yung atensyon nya sa katext nya.. ako ang kasama nya ngayon kaya dapat ako lang!

pumasok kami sa arcade at ang una kong nilapitan ay yung time crisis 2... dapat pandalawahan yung laro para di sya makatext!

pagkatapos naming maglaro ng time crisis 2, nilapitan naman namin yung tekken 5..kahit na di ako marunong nito, ok lang.. 2 players eh! nagtry pa kami ng kung ano ano pang laro, tulad ng basketball mania, house of the dead 2, pongpong at iba pa...

naglalaro na kami ngayon ng coin dozer ng mahalata kong hindi na sya nag tetext.. yes! buti naman..

"ui Fritz, nagugutom na ko!" reklamo ko..

"ha? eh.. san mo ba gustong kumain?" tanong nito at nagsimula na kaming umalis dun sa arcade..

"uhm... greenwich tayo! libre mo ha!" konting pacute lang...

"haha..sige.." kinurot nito yung pisngi ko.. *o* kinilig naman yung lola nyo...

nasa greenwich na kami at umorder na si Fritz, habang ako, naghahanap ng mauupuan..  then suddenly...

"ui Anne!"

teka, si Becca yun ah!

"ui, andito ka pala.. sino kasama mo?" tanong ko..

and as if on cue, lumabas si Asya sa CR.. halatang nagulat sya nung nakita ako..

"A-Anne?"

"hi Asya!"

spell AWKWARD...  =___=

"ui, share nalang kayo ng seat dito oh.. wala na namang bakanteng upuan eh..may kasama ka ba?" tanong ni Becca at napatingin ako sa paligid, wala na ngang bakante..

no choice ako kaya makiki upo na rin lang ako..

pa upo na ako ng dumating at tumabi sakin si Fritz ..

"ui, daddy Fritz! andito ka rin pala.." sabi ni Becca na halatang excited..

"uhm... he's with me.."

sabay silang napatingin samin at napa 'oh' nalang si Becca...

"Fritz, makishare nalang tayo sa table nila, total, wala nang bakante.." sabi ko nalang at tumango naman sya..

umupo na kami at magkatabi kami ni Becca.. kaya sila Fritz at Asya yung magkatabi.. walang imikan samin.. awkward siguro masyado kaya pinili nalang naming manahimik.. kahit na ang madaldal na si Becca, natahimik..

My Silent Guitarist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon