. ilang araw na ang lumipas, ilang araw ko na ring akong nasasaktan. ilang araw kong tiniis ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang masaya at magkasama.
sya ang naging inspirasyon ko sa araw araw, but it turned out na sya rin pala ang magbibigay sakin ng kalungkutan.
natapos na yung exams namin, himala ngang nakasagot pa ko eh, sa dinami ba naman ng iniisip ko.
nandito kami ngayon sa old canteen, kasama ko si Becca. gusto ko sanang mapag isa pero ayaw ako payagan, baka daw san ako mapadpad.
naka upo lang kami ni Becca nang dumating si Anne. takang taka ako kung bakit sya nandito.
lumapit sya samin, "anong ginagawa mo dito?" nakaramdam ako ng kaba pero tinanong ko parin sya. anong kailangan nito?
hindi nya ko sinagot pero may inabot syang isang sulat. "galing kay Fritz" sabi nya at umalis na
nanginginig kong tiningnan yung sulat at di ko maiwasang huwag umiyak sa nakasulat sa labas nito.
ITS OVER
para akong sinakluban ng langit at lupa. anong ibig sabihin nito? its over? tapos na? yung alin? yung pagmamahal ba nya sakin?
"Asya? ok ka lang ?"
mas lalo lang akong na iyak ng malaman ko kung tungkol sa ano ang sulat. yung marriage contract namin. binalik nya sakin?
"Asya!!"
hindi ko na kaya, umalis ako sa kinauupuan ko at tumakbo ng may nakita akong nakatayo sa pintuan ng old canteen.
si Fritz.
dahan dahan ko syang nilapitan habang patuloy na umiiyak.
"ano to? ha?" pinakita ko sa kanya yung papel. yung papel na kung saka sakali, magtatapos ng lahat sa amin.
"sabihin mo sakin Fritz, yung totoo. balewala na lang ba lahat sayo? hindi mo na ba ako mahal? ha? ano pa ba ang kulang? akala ko ba mahal mo ko.? diba nangako ka sakin? na kapag nagtapos na tayo, liligawan mo ko ? anong nangyari sa pangakong yun? napako ? naglaho na parang bula??"
"Asya ano ba pinagsasabi mo? mahal kita."
"mahal?? yan ba ang pagmamahal para sayo? binabalewala mo ako Fritz! mas pinapaboran mo pa si Anne kesa sakin! grabe Fritz! bilib ako sa meaning mo ng pagmamahal."
ayoko nang makaramdam ng sakit. ayoko na. hindi ko na kaya.
"mas mabuti pang tapusin na lang natin to, Fritz.."
nagulat sya sa sinabi ko. ano ba ang dapat nyang ikagulat? he could've expected it anyway. diba nagkakamabutihan na sila ni Anne?? tumalikod na ko pero bigla akong hinawakan ni Fritz sa kamay. nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"A-asya.. wag.. please.. i-i need you.."
bigla akong napatingin sa kanya. "you need me?!" ano ba problema nito? hindi ko sya maintindihan. "anong you need me?! Fritz tama na. ayoko na. puro sakit lang yung naibibigay mo sakin. hindi ka pa ba nagsasawang saktan ako? kulang pa ba yun?"
"A-asya.. Im.. Im sorry.."
marahas kong kinuha yung mga kamay ko sa kanya. "alam mo ba kung ano yung gustong gusto kong gawin sayo ngayon? sampalin ka ng bonggang bongga.! bigla mo kong kinalimutan Fritz! tapos ngayong pinapalaya na kita, sasabihin mo, YOU NEED ME? IM SORRY?? bakit, ha? marami pa ba kayong plano para saktan ako? hindi pa ba kayo nagsasawa? im sorry din fritz, pero i cant fight someone if that someone is the reason why i cant fight anymore. goodbye."
BINABASA MO ANG
My Silent Guitarist (COMPLETED)
Teen FictionBecause loving someone takes a lot of effort and sacrifices.