Becca's POV
nandito ako sa auditorium namin para panoorin yung banda namin, tsaka syempre para suportahan yung bestie ko!
nung lumabas na sila, nakita kong kinakabahan sya. naku! go go go lang best! kaya mo yan !
tumugtog na sila at nakihiyaw din ako, galing talaga ng bestie ko oh!
umabot ang ikatlong kanta at nakita kong tumayo si Anne at papuntang stage.
aba! anong balak ng bruhang yan?
oh no! lumapit sya kay daddy Fritz! at! pinunasan ng pawis?! ay kay landi! in front of my bestie pa talaga!
pigilan nyo nga ako dito! inunudnud ko yang pagmumukha nya sa inidoro eh!
at ano yan?? OMG! she kissed Fritz! haangkapaal talaga !! wala na, ! dahil sa kalandian nya, sya na reyna! reyna ng mga dikya at linta! ang kati mo te!
sigurado, fast and furious na yang si Asya!
nung natapos silang kumanta, agad syang umalis at nagpunta sa backstage.
agad naman akong napatayo sa upuan ko at tumungo dun. naku! sana okay lang bestie ko!!
pagdating ko sa backstage, nakita kong natataranta silang apat.
"oi! mga papu! asan bestie ko??" nilapitan ako ni Gab at sinabing, "di nga namin alam Rebs eh, na una kasi syang umalis, sabi nila may hinila daw syang babae"
"naku naman! world war 3 na to!" hinanap ko si Fritz at nakayuko lang sya.
"hoi Fritz! ikaw may kasalanan nito eh! torpe ka nga pero anlakas naman ng loob mong magpaasa!" naglakad ako papunta kay Gab at dinuro sya sabay sabing, "and dont call me Rebs! nakaka ew!" umalis na ako para hanapin si Asya.
naglalakad ako ng makarinig ako ng iyak. nilapitan ko kung san yun galing, hala! baka engkanto yun!
kahit na takot ako, lumapit parin ako dahil feeling ko kailangan kong lumapit, at doon ko nakita si Asya, umiiyak.
"bestie!!"
hindi nya ako nilingon, patuloy parin sya sa pag iyak.
"bestie tahan na."
hinahagod ko yung likod nya, sabi kasi nila, nakakagaan daw yun sa feeling.
tumahan naman sya pagkatapos ng ilang minuto.
"bestie?"
hindi nya ko nilingon, patuloy parin sya sa pag iyak.
"Asya, tahan na." ilang minuto pa bago sya tumigil sa kakaiiyak.
"bestie, ?" tumingin sya sakin na namumugto ang mga mata.
"Becca, nakalimutan ko, wala pala akong karapatang magselos at magalit, masyado akong nadala.." at umiyak na naman ito.
"bestie, ok lang mag selos at magalit, pero ang magsumbat, yun ang hindi pwede. m.u. ngalang diba? ano ba kasi nangyari?"
pinunasan nya yung mga luha nya at nagsimula nang magsalita, "kase Becca, sobra akong nag selos kaya nahila ko si Anne papunta dito at pinagalitan. tapos tinanong nya ko kung kami ba para mag ganito ako. dun ko lang naalala na hindi pala. "
pumatak ang luha sa mata nya pero madali nya itong pinunasan saka sya nagsalita ulit, "bestie, ano pa ba kulang sakin ? bakit pag kasama nya si Anne, ang saya saya nya, tapos sakin, halos kalimutan na nya ako. hindi na ba nya ako mahal? nagiging boring na ba akong kasama?"
naku, kawawa naman bestie ko, hindi nya alam na nagmumukha na syang tanga.
"bestie tama na kasi, lahat ng katangahan, may hangganan, yung sayo, walang hanggan. kelan ka matututo nyan? lagi ka nalang ba iiyak nyan?" bigla syang natahimik na parang may iniisip.
BINABASA MO ANG
My Silent Guitarist (COMPLETED)
Teen FictionBecause loving someone takes a lot of effort and sacrifices.