Sinigurado kong tulog na sila Mama at Claire bago ako umalis. Bago ako lumabas ng bahay ay tinawagan ko din ang service ko sa school. Wala na kasi akong masasakyan ng ganitong oras. Swerte lang at gising pa si Manong.
First time kong lalabas ng ganitong oras. Napakamalas naman kasi at ako pa ang na-wrong call ni Fletcher. Ilang minuto ang tinagal ng biyahe bago ako makarating sa bar na kinaroroonan ni Fletcher.
Pagpasok ko sa bar ay malakas na tunog at sari-saring ilaw ang nadatnan ko. Nilingap ko ang mata ko para hanapin si Fletcher. Madali ko naman siyang nakita dahil naka-uniform pa siya. Paano kaya siya pinapasok dito gayung nakapang school uniform pa siya.
Agad ko narin siyang nilapitan. Nakayukyok siya sa lamesa at grabe, nakaraming bote ata siya ng alak na nainom.
Tinapik ko ang likod niya.
"Fletcher, gising. Halika na. Iuuwi na kita sainyo." Agad naman siyang dumilat.
"F-fiona?! I-ikaw na bayan?" Super singkit na ng mata niya. Dahilan siguro ng pag iyak at ng kalasingan niya.
"Si Arianna ito. Halika na at iuuwi na kita."
"A-anong g-ginagawa mo d-dito?! Hindi i-ikaw ang k-kailangan ko. Si F-fiona. Mahal na m-mahal ko yun. H-hindi niya dapat a-akong iwanan. H-hindi ko kaya." Nakakaawa ang itsura niya. Kitang kita sa kanya ang labis na pagkasaktan. Hindi ko alam kung bakit napaupo ako sa tabi niya. Dala narin siguro ng pagkaawa ko sa kanya. Tinatapik-tapik ko ang likod niya para kahit papaano eh kumalma siya.
"Mag iibang bansa lang nakipag hiwalay na agad. Malaki bang hadlang ang relasyon namin sa pag aaral niya dun. Hindi ba niya ako kayang bigyan kahit gagaripot na oras. Isingit manlang kahit sunday. Kausapin kahit ilang minuto lang. Bakit break-up kaagad?!"
"Siguro may dahilan siya kaya niya ginawa yun. Wag kang mag aalala, babalikan kadin nun kapag umuwi na siya dito. Iniisip lang niya siguro ang kinabukasan niya." Tuloy parin ako sa paghagod sa likod niya.
"Dont touch me, Arianna. Hindi kita kailangan. Umalis kana. Hayaan mo akong mapag-isa." Tinabig niya ako dahilan para mapatayo ako.
"Pero lasing kana. Walang mag uuwi sayo. Halika na. Iuuwi na kita."
Sa huli ay nadala ko din siya. Bigla na kasi siyang nakatulog dala ng pagkalasing at sobrang pag iiyak. Tinawag ko si manong sa labas para magpatulong sa pagbubuhat kay Fletcher.
Nang buhatin namin siya ay bubulong-bulong pa siya. Palagi niyang binabanggit si Fiona.
Isa pa, kahit sobra siyang lasing ay hindi parin maitatanggi na gwapo parin siya. Oo na. Sige na. First time saakin ito. First time na may sinabihan akong gwapo at hindi ko inaakalang kay Fletcher pa.Pagpasok namin sa sasakyan ay agad kong hinanap ang wallet niya. Kailangan ko kasing alamin ang address niya. Nang kutkutin ko ang wallet niya ay napanganga ako sa kapal ng lilibuhin niyang pera. Karamihan pa ata dun ay puro dollar pa hahaha! Naging usisera na ata ako. Humanap na ako ng I.d niya at tinignan ko na ang address niya. Nang makita ko na yun ay sinabi ko na agad kay manong.
Ilang minuto lang ang tinagal ay nakarating din kami sa bahay niya. Napanganga na naman ako. Alam nyo kung bakit? Mala mansion lang naman kasi ang bahay nila.
Ako ang unang bumaba. Nag doorbell ako sa harap ng bahay nila. I hope na gising pa ang parents or mga maid nila.
Nakailang doorbell na ako pero wala paring lumalabas. Tulog na kaya ang mga tao sa kanila?
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
HorrorTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...