I woke up feeling crazy. Kinakabahan ako. Parang ayoko na yatang pumasok sa school. Natatakot na ako sa Fletcher nayun. Natatakot ako na ipahiya na naman niya ako. Saka yung text niya kagabi. Naku-naku! Humanda-handa na daw ako sa pambubully niya.
Mayamaya ay nagulat ako sa biglang pagpasok ni Claire sa kwarto ko.
"Anong nangyari sainyo kahapon ni Fletcher? Trending ka ah!" bungad niyang sabi saakin. Alam ko naman na mangyayari ito. Daig ko pa ngayon ang artista sa page sa facebook ng school namin.
"Hindi ko naman sinasadyang matalisod at mabangga sa lalaking yun."
"Sorry Arianna, hindi sana mangyayari yun kung di kita hinayaang umuwi mag isa. Sorry!"
"Okay lang yun. Wala ka namang kasalanan. Ako ang tanga eh."
"Dibale swerte ka naman at si Fletcher baby ang nakasunggo mo. Bad lang nga yung parteng binuhusan ka ng shake. Sige na. Gumayak ka na at baka ma-late na tayo."
"Sige-sige, maliligo narin ako.
Sa hapagkainan, halata nila na wala ako sa mood. Natatakot kasi talaga ako. Ano kayang gagawin saakin mamaya ni Fletcher? Sana naman jino-joke lang niya ako. Pero hindi, sabi nga ni Jex gunggong ang isang yun kaya, paano na? kinakabahan talaga ako.
"May problema kaba anak?" Biglang tanong ni Mama.
"W-wala po." Pagsisinungaling ko. hay, please lord gabayan nyo po ako.
Matapos kumain ng umagahan ay umalis na kami Claire.
Habang nasa biyahe kami ni Claire ay isang text message ang natanggap ko.
From: 09*********
"Pagpasok mo sa school, sa canteen ka agad pumunta. May iuutos ako sayo. Dahil may kasalanan ka saakin, kailangan sumunod ka sa mga utos ko, kung ayaw mong maging mesirable ang buhay mo dito sa school."
Text palang niya natatakot na ako. Ano kayang iuutos niya?
"Okay ka lang? Parang nakakita ka ng multo sa Cellphone mo ah?" Biglang tanong ni Claire.
"O-okay lang ako. M-may nakalimutan lang akong things sa bahay." Pagsisinungaling ko.
"Important things ba? Pabalikan natin kay manong." Aniya pero pinigilan ko nalang. Wala naman talaga akong nakalimutan. Dahilan ko lang yun. Saka Baka ma-late pa kami at isa pa, ayokong paghintayin ng matagal si Fletcher at baka lalo siyang magalit saakin.
Pagdating sa School ay madaming nagtingin saakin. Hindi ko nalang sila pinapansin at talagang na kay Fletcher ang isip ko. Kinakabahan na ako habang naglalakad patungo sa canteen.
"Claire, mauna ka na sa room at may bibilhin lang ako sa canteen." Paalam ko sa kanya.
"Okay." maikli niyang sagot at naghiwalay na kami. Nang malapit na ako sa canteen ay natanaw kong nakaabang doon sina Fletcher, Drake, Chance at Clyde.
Nanginginig akong lumapit sa kanila.
"Finally nandito ka narin. " Bungad ni Fletcher na ngingisi-ngisi. Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
TerrorTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...