Chapter 10 : Ang sakit palang umasa.

837 31 0
                                    


Pagdating niya ay agad narin kaming umalis. Natatawa ako sa kanya, kasi gayak na gayak siya. Samantalang ako eh, naka pang bahay lang.

"Bakit hindi mo ako sinabihan na kailangan bongga pala ang suot?" Untag ko. Nangisi siya sa tanong ko. "Sabi ko naman sayo gumayak ka. Pero okay lang yan, ang mahalaga natuloy tayo. Saka hindi ka naman panget sa suot mo. Magmumuka kalang namang katulog ko hahaha!"

Napatingin ako sa kanya. "Ibaba mo na ako. Ayoko ng sumama!" Inis kong sabi. Agad naman siyang tumawa. "Joke lang, hindi ka naman mabiro."

Wala akong ideya kung saan kami pupunta? Basta simula ng sinura niya ako ay hindi na ako nagsalita. Nakakasura eh, ang lakas manura!

"Hoy! Ang tahimik mo?" Bigla niyang tanong. Tumingin ako sa bintana at saka ako umirap. "Wala lang. Huwag ka ng magulo. Magmaneho ka nalang diyan." 

"Sungit naman!" 


Ilang sandali pa ay huminto na kami sa isang restaurant na mukang mamahalin. Nagpark muna siya ng sasakyan at saka kami bumaba. 

"Mahal ata dito!" Ani ko.

"Okay lang yan. Saka sagot ko ito." Aniya.

Pagpasok namin sa loob ay nagtaka ako. Walang katao-tao. Kami lang ni Fletcher.

"Bakit walang tao?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko. Basta ang alam ko, inarkila ko ngayon ang restaurant na ito." Sa sinabi niya ay bigla akong napatingin sa kanya.

"What?! Bakit? Anong dahilan?" Nagtataka kong tanong.

"Malalaman mo din mamaya." Sagot niya na kinalilito ko parin.

Inaya na niya akong maupo sa magarang lamesa't upuan. Napaka-sosyal ng lahat dito. Pati ang sound dito masyadong sweet. Nahihiwagaan na talaga ako.

Mayamaya ay isa-isa ng nilagay ng mga waiter ang mga food na pinahanda ni Fletcher. Talaga palang pinaghandaan na ito ni Fletcher. Bakit talaga? Ano bang gusto niyang palabasin?

"Bakit mo ginagawa ito? Naguguluhan na talaga ako." Bigla kong sabi.

"Mamaya ka na magtanong. Kumain na muna tayo." Nakangiti niyang sambit sabay abot ng kutsara at tinidor na agad ko namang tinanggap.

Lahat ng pagkaing in-order niya ay halos masasarap. Nakakailang lang na habang kumakain kami eh, may mga nagba-violin pa. Para bang nagde-date kami na ewan. Nakakahindig balahibo. Minsan napapatingin ako kay Fletcher. Ang gwapo niya talaga sa malapitan. Kahit kumakain at puro sauce ang bibig niya ay gwapo parin. Ngayon lang ako nabighani sa isang lalaki. Hindi ko alam pero unti-unti ay sumasaya na ako. Dahil siguro sa magkasama kami ngayon at dinala niya ako sa mamahaling restaurant na ito.

Hindi naman ako bobo at manhid para isiping wala lang ito. Hindi naman siguro siya mag aaksaya ng pera at oras para lang saakin. Ngayon feeling ko may gusto na saakin si Fletcher. Feeling ko din ay ako nga ang miss 's' na tinutukoy niya palagi. Hindi ko lang maintindihan kung bakit miss 's'?

"Bakit ngumingiti-ngiti ka diyan?" Tanong niya bigla. My gosh! nahuli niya ba akong ngumingiti habang nakatingin sa kanya? 

I Love To Hurt You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon