Matapos ang buong klase ay tinatamad pa akong lumabas ng room. Hindi ko alam kung tutuloy ba akong sumama sa kanya o hindi. Bwisit! Akala ko ba'y magbabago na siya? Bakit nagkaganun na naman siya? Bakit aalilain na naman niya ako?
"Saakin ka na sumabay umuwi, Arianna." Aya bigla ni Jex.
"Sige-sige," Nagkukumarat kong sagot. Yes! Siguro naman kapag nakita niyang may kasama akong lalaki eh, hindi na niya ako lalapitan at pakekelaman.
"Halika na," nagkukumarat kong aya kay Jex.
"Easy! Masyado ka naman atang excited!" sabi niya na mangiti-ngiti pa.
Pagdating namin sa gate ay nakita kong nakaabang na si Fletcher doon. Nagkunware akong hindi ko siya nakita. Agad-agad akong sumakay sa sasakyan ni Jex.
"Yes! Nakaligtas din!"Sigaw ko sa loob.
Pero ano itong nakikita ko? Si Fletcher papalapit sa kotseng sinasakyan ko. Binuksan niya ang pinto at hinila ako papalabas.
"Ano ba? May kasama akong iba. May lakad akong iba!" sigaw ko sa kanya, pero tuloy-tuloy parin siya sa paghila saakin hanggang sa maipasok niya ako sa sasakyan niya.
"Napakasuplada mo talaga. Nagkunware ka pa talagang hindi mo ako nakita. Alam mo bang isang oras akong nag-hintay sayo dito?" So, problema ko ba yun? Sinong may sabi na maghintay ka?!
"Ano na naman ba itong pakulo mo? Kala ko ba titigilan mo na ako?" Tanong ko.
"Joke lang yung kanina. Hindi kita gagawin alila sa mall. Saka okay na tayo diba? Joke lang din yung sinabi kong hindi pa kita napapatawad. Sinabi ko lang yun kanina dahil ayokong mapahamak ka sa maraming babaeng taga hanga ko. Ayokong dumami ang haters mo. Diba nga sabi ko, magbabago na ako." Doon ay bigla na akong nakahinga ng maluwag. Marunong naman pala siyang mag isip. Akala ko talaga, badboy parin siya eh.
"Nagulat mo ako nun ah!" sambit ko sa kanya.
"Sorry. So, ano, sasama ka na?" Tanong niya.
"Sa mall ba talaga?" Tanong ko din.
"Oo, tulungan mo akong bumili ng regalo para kay miss 'S' ko." Aniya. Miss s na naman. Sino ba talaga yun?
"Pwedeng mag tanong?" Ani ko.
"Wala ka sabing karapatan magtanong!" Nagulat ako sa kanya. Tumingin ako sa kanya, pero nagulat ako ng tumawa siya.
"Joke lang. Namiss ko kasing sabihin yun sayo. Ano bang tanong mo?" Aniya. Nakakatawa siya. May pagka-kalog din pala siya.
"Sino ba yung miss 'S' mo?" Seryoso kong tanong. Nakita kong sumiryoso din siya ng mukha.
"Secret!" Bigla niyang sabi. "Tara na nga at baka gabihin pa tayo." Aniya sabay suksok ng susi sa kotse niya. Pinag-start na niya ito pero ayaw bumukas. Habang ginagawa niya yun ay napatingin ako sa likuran kung saan nandun ang maraming studenyanteng babae. Napansin ko din si Jex na biglang kumumpas ng kamay. Nagulat ako sa nakita ko. May kung anong kumikinang ang biglang lumabas sa kamay niya at tumama yun sa kotse ni Fletcher na sinasakyan namin ngayon.
Mayamaya ay bigla ng umusok ang harap ng kotse ni Fletcher.
"Bumaba na tayo. May problema ata ang kotse ko." Aniya. Sabay kaming lumabas at doon bigla na akong hinila ni Jex. Dinala niya ako sa loob ng kotse niya. Doon tinitigan ko siyang mabuti.
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
Kinh dịTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...