Chapter 3 : The Three Witches

891 41 0
                                    


I woke up feeling nervous. Parang ayoko nang pumasok sa school. Parang gusto ko ng mag pa transfer. Hay! Kailan kaya maalis sa landas kong ang taong yun?  Please lord, gabayan nyo po ako sa buong maghapon. Pagbaba ko sa hapagkainan ay hindi ako makakain ng maayos. Kinakabahan kasi talaga ako. Mukang nakakatulong sa pagda-diet ko si Fletcher. Nakakawalang ganang kumain kapag ganitong kinakabahan ako.

Pagpasok namin ni Claire sa gate na school namin ay nililingap-lingap ko ang paligid. Natatakot ako. Kailangan hindi ko makita si Fletcher ngayon. 

"Hey, sino ba hinahanap mo? Kanina kapa lingap ng lingap? Naliliyo na ako sayo," untag ni Claire. "W-wala. Tinitignan ko lang kung pinagtitignan pa ako ng mga student. Alam mo naman, sariwa pa yung iskandalong ginawa ko kay Fletcher." yun nalang ang nasabi ko. Pero hindi parin ako tumitigil sa paglilingap.

Salamat naman at hindi ko siya nakita. Maaliwalas akong nakapasok sa room namin. Sana tuloy-tuloy ito hanggang mamayang hapon. Sana hindi nalang siya pumasok. Sana wag na siyang pumasok kahit kailan.

Bumalik ang lahat ng kaba ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Ayoko mang sagutin pero ayoko ng dagdagan pa ang galit niya.

"H-hello?"

"Pumunta ka dito sa tapat ng room ko. Ngayon na." Kalmado siya sa phone.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Wala kang kaparapatang mag tanong. Sumunod ka nalang." Kalmado parin siya. Pero ang sungit ng sagot.

"Sige na. On the way na ako."

Pagbaba ko ng phone ay tumayo na agad ako. Palabas na ako ng room namin ng makasalubong ko si Jex. 

"Oh saan ka pupunta?" Tanong niya.

"May bibilin lang ako sa canteen." Pagsisinungaling ko.

"Samahan na kita." Alok niya. Pero tinanggihan ko. Alam nyo naman, kay Fletcher ako pupunta at hindi niya dapat malaman yun. Nakakahiya.

"Hindi. Ako nalang. Pumasok ka na sa room." Tinakbuhan ko siya at nagmadali na akong pumunta sa tapat ng room nila Fletcher.

Pagpunta ko sa tapat ng room nila Fletcher ay ang three witches ang nadatnan ko.

"Totoo nga. Patay na patay nga siya sayo."

"Malandi talaga!"

"Kaya nga. Matapos mag papansin kay Fletcher, nilalandi na niya ngayon."

Mayamaya ay lumabas na si Fletcher. "Sabi ko sainyo eh, ginugulo parin niya ako. Ayaw akong tigilan ng text. Nagtataka nga ako kung bakit nakuha niya number ko eh." Laglag panga ako sa mga sinasabi ni Fletcher. Anong mga pinagsasabi niya?

"Anong ibig sabihin nito Fletcher?" Tanong ko bigla.

"Hoy! Wag na wag mong lalandian si Fletcher!" Nagsimula na silang tatlo sa pagsabunot sa buhok ko. Halos mayug-yog at mahilo ang ulo ko sa pagtutulungan nila saakin.

"Hazel, Scarlett, Alyanna, tigilan nyo na si Arianna!" Alam kong si Jex yun. Boses na yun. Wala akong nakikita dahil nakayukyok ako sa lapag habang gulong-gulo ang buhok at uniform ko. Nasilip ko si Fletcher. Tuwang-tuwa siya sa nangyari saakin.

I Love To Hurt You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon