Chapter 6 : Kulit ng lahi!

822 34 1
                                    



I woke up feeling dead! Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Where am i? Nasa heaven na ba ako? Bakit puro puti ang nakikita ko?

"Arianna?!" Nagulat ako ng sumulpot sa paningin ko si Fletcher. Naalala ko na. Siya may kasalan kung bakit na-hospital ako ngayon. Grabe na talaga itong taong ito. Ilang beses na akong nasasaktan ng dahil sa kanya. Ayokong mag salita. Ayokong kausapin siya. Ayoko ng mapalapit sa kanya. Puro sakit nalang nararanasan ko sa kanya.

"Arianna? Hey! Okay ka na ba? Bakit ayaw mong magsalita?" Sunod-sunod niyang tanong. Pumikit ulit ako. Nakunware akong natulog ulit. Basta ayoko na siyang makita o makausap manlang. Malas siya sa buhay ko. Masyado ng maraming nangyayaring hindi maganda simula ng dumating siya sa school namin. Last na ito. Hinding hindi na niya ako makakausap.

Dahil akala niya ay natulog ulit ako ay tinigilan na niya ang pagtatanong. Paglabas niya sa room ko dito sa hospital ay agad kong tinawagan sina Mama at Claire. Pinapunta ko sila dito sa Hospital. Nagtext narin ako kay Fletcher.

"Umuwi kana. Padating na ang pamilya ko. Ako ng bahalang magpaliwanag sa lahat. Wala kang kasalanan. Aksidente ang lahat."

Makaaraan ang ilang sandali ay nagreply narin siya.

"Ang kulit-kulit mo kasi eh. Kasalan mo talaga yan. Sige na, Pagaling ka."

Wow! Kasalanan ko talaga eh no?! Napakalakas ng tagas ng ulo ng lalaking yun. Sarap tadyakan.

Mayamaya rin ay dumating na sina Mama at Claire. Alalang-alala sila. Syempre gumawa na naman ako ng kwento at mga dahilan para makumbinse sila. Ayun nga lang nagtataka na sila kung bakit ba daw nag iiba na ang inaasta ko nitong mga nagdaang araw. Kasalanan talaga ito ni Fletcher!

Kinausap ni Mama ang doctor. Ang sabi ay kahit maraming dugo at malakas ang pagkakabagok ko sa pader ay wala namang naging problema. Kakaiba nga daw ang ulo ko dahil wala talagang napinsala. Himala nga daw. So bakal po pala ang ulo ko? Hahaha!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, malakas naman na ako. Tila nga hindi ako galing sa aksindente eh. Pagsapit ng hapon, umuwi narin kami.

Sa bahay, hindi ako pinapalabas ni Mama ng kwarto. Magpahinga daw ako dahil kagagaling ko lang sa Hospital. Eh naboboring ako. Saka gusto kong kumain ng prutas. Malas nga lang dahil wala kaming stock sa ref. Dahil nagtatakam ako. Wala ng makakapigil saakin. Tumakas ako ng bahay para tumungo sa palengke. Malapit naman yun dito sa bayan namin kaya nilakad ko na lang.

Ilang sandali lang ay nakarating nadin ako sa palengke. Sari-saring mga prutas ang agad kong nakita ko. Naglalaway na ako. Gustong gusto ko nang kumain ng prutas. Syempre namili ako ng mga fresh.

Habang panay ang pamimili ko ay nagulat nalang ako sa isang babae na biglang lumapit saakin.

"Uy, ikaw yung babaeng nasa Hospital diba? Nakalabas ka na?" aniya.

"Oo. Okay naman na daw ako kaya nakalabas na ako. Teka, paano mo nalamang ako yun?" Tanong ko.

"Nurse ako at pang gabi ang duty ko sa Hospital. Grabe nga yung lalaking nagbantay sayo. Boyfriend mo ata. Swerte mo sa kanya. Gwapo na, mabait pa. Alam mo bang hindi yun natulog para lang maghintay ng update sayo. Habang natutulog ka nga, hawak-hawak niya yung kamay mo.Ang sweet lang." Tila namula ang mukha ko sa mga sinasabi niya. Imposible.

I Love To Hurt You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon