I woke up feeling excited. Ngayong araw na kasi gaganapin ang unang pagluluto namin sa kitchen sa school. Yes, im Hrm student. Bata palang ako tinuturuan na ako magluto ni Mama Clara. Ang totoo ay hindi siya ang tunay kong magulang. Si Claire ang tunay niyang anak. Ewan ko, sabi nila napulot lang daw nila ako nung bata pa ako sa harap ng bahay nila. Pero nagpapasalamat talaga ako dahil kinupkop at minahal nila ako ng buong-buo.
Bumangon na ako at nagsimula ng gumayak. Pagbaba ko sa hapagkainan ay nandun na sila Mama at Claire. Si Papa wala. Kakaalis lang niya nung nakaraang linggo upang tumungo sa America. Nakakamiss tuloy siya. Dibale para naman sa future namin ang pagpunta niya dun.
"Maupo at kumain ka na Arianna at baka ma-late na naman tayo," ani Claire na siyang pagkukumarat ko agad sa pag upo. Nadala na kasi siya tuwing mabagal akong kumilos. Palagi kasi siyang nale-late ng dahil saakin.
Matapos kaming mag umagahan ay umalis narin kami kaagad. Habang magkatabi kami sa likod ng saksakyan ni Claire. Napansin kong may pinagkakaabalahan siya sa phone niya. "Ano yan? Bakit tila ang seryoso mo diyan sa phone mo?" Tanong ko.
"My gosh, Arianna may bagong hot na boy daw na transferee sa school. Nagkakagulo daw ang mga girls ngayon sa school," masayang saad ni Claire na kinasimangot ko. Bakit ba ang hilig hilig nila sa mga gwapong lalaki? Bakit hindi pag aaral muna ang atupagin nila. May oras naman para sa mga ganung mga kalandian. Sorry for that word. Eh kasi naman nalalandian ako sa kanila. Patay na patay ba naman sa mga gwapo. Jusmiyo ako nga dinadaanan ko lang ang mga yan. Tas noo ko silang nilalagpasan na hindi manlang sila tinitignan. Masarap pa saaking mag aral ng mabuti.
Pagdating namin sa school ay nakita na nga namin ang mga nagkukumpulan na mga babae sa tapat ng apat na lalaki na nag uusap sa tapat ng isang room. May bago ngang kasama ang tatlong gunggong na sina Clyde, Chance at Drake. Napansin ko din ang bagong lipat na student. Hindi naman gwapo! Mas gwapo pa papa ko diyan. Hmp! makapasok na nga sa room at naiirita ako sa mga tilian ng mga babaeng haliparot dito.
Pagpasok ko sa room namin ay agad na akong nilapitan ni Jex. Isa sa lalaking kinakausap at kaibigan ko dito sa school. Iba kasi siya. Mabait siya at tulad ko, nag aaral din yan mabuti. Kaya naman solid friend ko siya. "Oh bakit hindi kayo magkasabay ni Claire?" Bungad niyang tanong.
Umirap ako. " Naku iniwan ko dun sa kumpulan ng mga babae sa labas." Sambit ko.
Natawa siya. "Ah. Oo nga pala. Nagkakagulo nga pala sila dahil sa Fletcher nayun," Aniya. Kilala niya yung bagong transferee?
"Kilala mo siya?" Tanong ko.
"Oo, Kapitbahay namin. Siraulo ang isang yun," aniya na kinangisi ko.
"Siraulo? Bakit?"Tanong ko ulit.
"Basag-ulero at pasaway ang Fletcher nayun. Madalas nambubully yun. At take note, pati babae sinasaktan nun. Tsk! kaya ikaw layuan mo siya kung ayaw mong makaranas ng panggagago niya." Natakot ako bigla sa lalaking yun. Naku ngayon palang iiwasan ko na talaga siya.
Makaraan ang ilang minuto ay pinapasok na kami ng prof namin sa kitchen namin. Kahit anong klase daw na luto na may halong manok ang una naming lulutuin. Chicken curry ang napili ng mga ka-group ko. Nasabi ko ba sainyo na ka-group ko si Jex? By the way, Ito na nga kami at busy'ng busy na sa kanya-kanyang ginagawa. Ang iba napapagod na sa mga ginagawa. Ako hindi. Enjoy na enjoy nga ako eh. Favorite na favorite ko kasi talaga ang pagluluto.
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
HorrorTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...