Kinabukasan, mag isa akong pumasok dahil masama ang pakiramdam ni Claire. Pagpasok ko sa room namin ay agad akong nilapitan ni Jex.
"Kamusta ka? Okay ka na ba? Nabalitaan kong na-hospital ka?" Bungad niyang tanong na sa mukha niya eh, halata ang pag aalala. Nginitian ko siya. "Oo, okay na ako. Kaya nga nakapasok na ako eh." sagot ko. Mayamaya ay nag iba na naman ang timpla ng mukha niya. "Sumosobra na talaga siya." Bigla niyang sabi.
"Sino?" Nagtataka kong tanong. Hindi niya ako sinagot at bumalik na siya agad sa upuan niya. Ang weird. Hindi kaya alam na kaya niyang si Fletcher ang dahilan ng pagkaka-hospital ko? Tinignan ko tuloy si Jex. Nakasibangot siya at para bang may kung anong iniisip.
Pagsapit ng lunch time ay hindi niya ako sinabayan. First time na biglang umuwi si Jex sa bahay at doon mag lunch. Habang kumakain ako ng tanghalian sa canteen ay napansin ko sa ibang mesa na magkakasamang kumakain sina Fletcher. Kulang sila ng isa. Wala si Clyde, absent ata.
Ang weird lang kasi minsan ay pasulyap-sulyap si Fletcher saakin. Kinakabahan ako, baka kasi gawan na naman niya ako ng kagaguhan. Naalala ko tuloy yung text message niya kahapon. Pwede daw ba kaming maging friend? Hanggang ngayon natatawa parin ako. Mayamaya ay biglang tumayo si Fletcher. Mukang may binilin pa ata siya. Nabitin siguro siya sa kinain niya. Ang buong akala ko ay babalik na siya sa lamesa nila matapos niyang bumili ng kung ano, pero nagulat nalang ako ng sa lamesa ko siya biglang nagtungo.
"Dessert oh." Aniya at nagbaba ng tindang fruit salad sa mesa ko. Meron din siyang binili para sa kanya. Kinakain na niya yun habang nakatingin saakin.
Hindi ko alam kung magsasalita ba ako para mag 'thank you' pero kasi, ayoko na talagang kausapin siya. Ayoko ng magpansinan pa kami. Tutal ay tapos na akong kumain, tumayo na ako. Binilisan ko ang paglalakad ko at salamat naman dahil hindi na niya ako sinundan.
Pag sapit ng hapon, papauwi na ako ng madatnan ko siyang mag isang nakaupo sa bench ng school. Sa itsura niya ay tila ba may kung ano siyang iniisip. Bakas din sa mukha niya ang pag-kalungkot. Dala parin siguro ng paghihiwalay nila ni Fiona. Nung time nayun ay bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Isa pa, napagtanto kong mag isa lang siya sa buhay. Wala ang mga parents niya. Mag isa lang siyang namumuhay sa mala mansion nilang bahay. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin pero, sabi ko nga, ayoko ng makipag-usap at magkaroon pa kami ng ugnayan. Wow, feeling may syota lang! hahaha! Basta, ayoko na. Bahala na siya. Problema niya yan.
Pag uwi ko sa bahay ay agad ko ng ginawa ang mga dapat kong gawin. Sinabi ko na din kay Claire lahat ng mga pinag-aralan namin sa school. Pagtapos nun ay balik sa dating gawi. Nanuod na naman ako ng mga cooking tutorial. Habang nanunuod ako ay bigla-bigla nalang pumapasok sa utak ko ang malungkot na mukha ni Fletcher kanina.
"Hindi! hindi! Umayos ka, Arianna. Tigilan mo yang kakaisip mo sa gagong yun." Tinapik tapik ko ang ulo ko para mayugyog at mawala sa isip ko ang mokong nayun.
Para malibang ako ay tinulungan ko nalang si Mama sa pagluluto ng ulam namin ngayon gabi. The best, dahil kare-kare ang niluto namin. Matapos magluto ay naghanda narin ako ng mga plato sa lamesa at sabay-sabay na kaming kumain ng hapunan.
Papahiga na ako sa kama ko ng biglang mag-ring ang phone ko. Napangiwi ako dahil si Flecther ang tumatawag. Hinayaan ko siyang tumatawag ng tumawag. Hindi ko sinasagot. Pero ng maingayan ako at ayaw niya talagang tumigil ay napilitan na akong sumagot.
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
HorrorTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...