Epilogue

1K 34 1
                                    


Hindi ako makapaniwalang ang daming nalulungkot sa post ni Fletcher kahapon. Halos lahat kasi ng mga babaeng kaklase ko ay yun ang usapan at lahat sila ay nalulungkot ang mga mukha.

"Sino ba kasi ang miss 'S' nayun?" tanong ni Ria.

"Kaya nga! Sinasaktan niya si Flethche!" inis na saad ni Candy.

"Naku, malaman ko lang kung sino yun, susugurin ko siya!" Galit na wika ng kapatid kong luka, si Claire.

Nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Tricia. "Ikaw, Arianna. Diba palagi mong kasama at nakakausap si flethcer? May idea kaba kung sinong miss 'S' yun?"

Gusto ko mang sabihin, pero ayoko ng gulo. Ayoko ng magkaroon pa kami ng pag-aawayan ni Fletcher.

"W-wala. Wala siyang nababanggit saakin. Saka hindi ko na masyadong nakakausap ang lalaking yun." Sagot ko.

Mayamaya ay lumapit si Jex saakin. "Ayos ka lang ba?" Untag niya.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" Tanong ko.

"Wala. Baka kasi may problema kang hindi mo sinasabi saakin. Basta kapag may hinanakit ka, 'wag kang mahiyang magsabi saakin." Aniya na panay ang titig saaking mga mata.

"May gusto ka ba saakin?" Diretsyo kong tanong sa kanya. Isang ngiti ang binigay niya bago siya sumagot. "Hindi ko pwedeng gawin yun sa taong pinahahalagahan ko. Kapag ginawa ko yan ay kalapastanganan na ang mangyayari!" 

Feeling ko talaga ay taga ibang lugar si Jex. Napakatalinghaga ng mga pinagsasasabi niya. Nagulat nalang ulit ako ng sumugod sa room namin ang the three witches. Himala, ngayon ko lang ulit sila nakita. Napaatras ako sa kinauupuan ko ng bigla silang tumapat sa harap ko.

"Sabihin mo, sino ang miss 'S' nayun? Bakit ang lungkot ni Flethcer ngayon?" Tanong ni Scarlett.

Naririnidi na talaga ako. Puro ako nalang ang tinatanong nila sa taong gusto kong kalimutan na. Paano ako nito makaka-move on kung ganitong araw-araw ay puro pangalan ng lalaking yun ang nadidinig ko.

Tumayo ako at hinarap ko ang tatlo. "Pwede ba?! Tigil-tigilan nyo na ang kakatanong nyo kung sino ang miss S na yan. Rinding-rindi na ako sa pangalan ni Fletcher! Nakakairita na! Hindi ko kilala ang letcheng miss 'S' nayun kaya wag nyo akong tanungin! nabubwisit na talaga ako!" 

Nagulat na naman ako ng biglang sumulpot sa pinto namin si Fletcher. Malungkot itong nakatingin saakin at gulat na gulat sa lahat ng nadinig niya saakin.

"Bakit ka naririndi sa pangalan ko? Bakit ka biglang nagalit?" Tanong niya. Gulat na gulat ako pati narin ang lahat ng kaklase ko.

"Bakit ka biglang umiwas? Bakit hindi na kita makontak? Nagpalit  ka naba ng number? Naka-block nadin ba ako sa facebook mo? Anong nangyari? Galit ka ba? " Nalulungkot niyang tanong.

"Fletcher, tigilan mo na si Arianna!" Sigaw ni Jex.

"Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko!" Sigaw niya kay Jex. Mayamaya ay lumapit na siya saakin.

"S-sorry, Arianna. Sorry kung tinago ko ito. Sorry kung naging duwag ako." Aniya na biglang may kumawalang tubig sa kanyang mga mata. Ano ito? Bakit siya umiiyak? 

I Love To Hurt You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon