Lia's Note : Hey! Hey! Hey guys! Welcome back to my account and welcome din sa aking pagiging writer ulit. Namiss ko kayo at namiss ko din magsulat. Sa muli kong pagbabalik ay itutuloy ko na ang book two nila Fletcher at Arianna. So Horror na po ang genre natin kaya humanda na sa mga katatakutan. Penge po palang Votes at comment. Salamat! So ito na! Enjoy!
*******
(Chapter 12 - Bad Arianna)
Fletcher's POV
Sa isang buwan na lumipas ay marami ang nakapansin sa kakaibang Arianna. Simula ng mangyari ang gabing pagsabog at ang muling pagsulpot muli ni Arianna ay tila ba nag iba na siya. Ang dating mabait at simpleng Arianna ay nag bago na.
Tulad nalang nito. Andito ako ngayon sa school at papalapit na saakin si Arianna ngayon habang ang lakad nito ay para bang nang-aakit. Tinitigan ko siya at hanggang ngayon hindi parin ako masanay sa mukha niyang napaka-kapal ng make-up. Tila ba siyang rakistang gigimik sa club. At tulad nito, marami na namang nagtingin sa kanya ng paluputan na naman niya ako ng yakap at agad na dinampi ang nangingitim niyang labi na dala ng itim niyang lipstick sa labi ko.
"Hi babe?" Nang aakit niyang bati saakin.
Hindi ako sumagot. Hinila ko siya sa walang tao. Nilabas ko ang panyo sa bulsa ko at sinimulan kong burahin ang makakapal niyang make-up.
"Anong ginagawa mo?!" Tinabig niya ako at bigla akong tumama sa likod ng puno.
"Ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka ba naging ganyan?!" Sinigawan ko na siya. Dala na din ng galit ng itulak niya ako. Malakas siya at nagawa niyang itulak ako ng malakas kaya natama ang likod ko sa puno.
Nabigla siya at agad na lumapit saakin. "Im sorry babe," agad niya akong tinayo.
"Wag mo na kasing pakelaman kung ano man ang ginagawa ko. Pabayaan mo na ako. Gusto ko nito. Maganda naman diba?" Sambit niya.
"Oo, maganda ka naman. At mas maganda ka pa lalo kapag tinanggal mo yang mga make up sa mukha mo. Please! Arianna, bumalik ka na sa dati..." pagmamakaawa ko.
Tulad ng dati. Iirapan niya lang ako at lalayasan na lang. "Bad Arianna!" Bulong ko nalang habang pinapanuod kong papalayo siya.
"Fletcher, layuan mo na kasi siya." napalingon ako sa likuran ko at laking gulat ko ng makita ko si Jex na kasama si Clyde.
"Clyde? Jex?" Untag ko.
"Kami nga," sagot ni Clyde.
"Long time no see! What happen? Bakit ngayon lang kayo nakabalik?" Tanong ko.
"Long story, Fletcher." Sagot ni Clyde.
"Layuan mo na si Arianna. Pabayaan mo na siya." Sambit ni Jex.
"No, Jex. Mahal ko si Arianna. Walang sino man ang makapaghihiwalay saamin." Seryoso kong sabi. Dahil don ay nawalan ako ng ganang makipag usap. Bumalik nalang ako sa room namin.
Habang nasa klase ay hindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko kung bakit pilit akong pinalalayo ni Jex kay Arianna. Dinadala ko lang daw sa kapamahakan ang sarili ko. Bakit? Muka bang masamang tao si Arianna?
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
TerrorTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...