Lia's note: Sorry guys kung hindi nakapag update kahapon. Babawi ako ngayon. I think two update pag sinipag hehehe. Saka tandaan nyo nga pala guys na si Fletcher ang palaging POV sa book two na ito. Lalagyan ko naman ng tanda kapag maiiba ang POV. So ito na. Enjoy
*****
Chapter 13 - Sino si Margarina?
Hinabol ko si Arianna, pero hindi ko siya naabutan at nakita. Ang nakita ko ay ang nagkakagulong estudyante sa loob ng comport room ng mga babae. Lahat ng mga lumalabas sa loob ay tila ba hindi maipinta ang mga mukha. May mga nandidiri, nasusuka at natatakot.
Nakipagsiksikan ako at pumasok nadin sa loob. Nang makita ko ang kinakatakutan nila ay nanlaki din ang mga mata ko. May litrato si Tricia sa dingding sa isang cubicle na punong puno ng dugo.
"Luluha ka ng dugo at pag tumagal ay maglalaho ka nalang bigla at maaalay ang katawan at kaluluwa mo kay Margarina," nabasa ko sa nakasulat sa dingding ng cubicle.
"Sino si Margarina?"
"May Margarina bang estudyante dito sa school?"
"Nakakatakot! Kaya ba lumuluha na nang dugo si Tricia ngayon?"
"At ang sabi maglalaho nalang bigla at maaalay ang katawan at kaluluwa niya kay Margarina. Ang creepy! "
Sari-saring bulungan at usapan ang nangibabaw sa loob ng comport room. Sa kilabot ko ay lumabas nadin ako.
Nagsimula na akong maglakad pabalik sa room. Habang isip-isip ko ang kababalaghang nangyayari sa school naito ay bigla kong nakasalubong si Clyde.
"Ayos ka lang?" Bungad niyang tanong.
"Medyo hindi nga eh. Grabe, ano na bang katatakutan ang nangyayari dito sa school?"
Tinapik ni Clyde ang likod ko. "Iyan na nga din ang iniisip ko. Ito ang kinakatakot namin. Sa tingin ko ay nakapasok na siya sa mundong ito."
Napataas ang noo ko sa mga sinabi ni Clyde. "Ha? Hindi kita maintindihan?"
"Ah basta. Mas mabuti ng wala ka munang alam ng hindi masira yang ulo mo sa kakatanong. Sige na, mauna na ako at may aatupagin pa kami ni Jex," tinapik niya ulit likod ko bago siya tuluyang umalis.
Mababaliw ako sa mga sinasabi niya. Tila nakashabu. Saka teka, kailan pa sila naging close ni Jex?
Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagkagulo ang lahat ng makatanggap ng text message si Rexa. Siya yung matalik na kaibigan ni Tricia.
"Hindi!!!!!!" Napasigaw at napatayo si Rexa sa gitna ng pagtuturo ng prof namin.
"May problema ba miss Rexa?" Tanong ng prof namin.
"Si Tricia...si tricia nawala na at naglaho. Kitang kita daw ng Mama niya na biglang naglaho ito habang nakahiga siya sa kama." Sagot niya na nagpataas ng balahibo sa lahat ng classmate ko.
Napuno na naman ng kilabot ang buong campus dahil madaling kumalat ang balita. Naisip ko kaagad si Arianna kaya pagtapos ng klase ay pinuntahan ko agad siya.
Sa room nila ay nakita kong masama ang tingin ni Arianna sa lalaking wirdo na si Ron na kaklase niya.
"Hindi na safe dito. Sino ang dimonyong bruha na Margarina nayun? Saan niya dinala si Tricia?" Galit na wika ni Ron.
BINABASA MO ANG
I Love To Hurt You (Completed)
HorrorTrip na trip ni Fletcher na asarin at ipahiya si Arianna. Walang araw na hindi niya sinusura at binubully ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ba sa tuwing sasaktan niya ang babae ay natutuwa siya. Pero paano kung dumating ang araw na ang ina...