Bangungot

41 2 0
                                    

#AKNDTula

Tinangay na ng hangin
Ang minimithing kapayapaan.
Inanod na ng alon
Ang hinahangad na kaunlaran.

Binalot na ng dilim
Ang inaasam na pag-asa.
Nilamon na ng lupa
Ang hinihiyaw na hustisya.

Kailan kaya makatatakas,
Mula sa kamay ng magnanakaw.
Kailan kaya makaaalpas,
Mula sa rehas ng kahirapan.

Tila bingi,
At hindi marinig ang hinaing.
Tila bulag,
At hindi makita ang suliranin.

Niluma na ng kahapon
Ang pangakong pagbabago.
Nilunod na ng dagat
Ang pangakong pag-ahon.

Paulit-ulit na lang
At walang katapusan.
Tila tuluyan nang napako
Ang mga gasgas na pangako.

Nakapopoot, nakasusuka,
Mas maangis pa sa bangkay,
Mas malansa pa sa bilasang isda
Ang bulok na sistema ng bayan.

Sa muling pagsikat ng araw,
Hatid ay bagong liwanag.
Sana'y magising na
Sa bangungot na tinamasa.

Ang Kwaderno Ni DodongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon