Tula Ng Mga Tulala

82 2 0
                                    

#AKNDTula

Ang tulang ito’y para sa’yo—
Kahit na ika’y tuluyan nang lumayo—
Iniwan ang puso ko na tila mo binagyo.
Umaasang ang tulang ito’y muli kang maibabalik at ang dating tayo.

Para sa’yo ang tulang ito—
Aking pagmamahal at pangungulila’y nakapaloob dito—
Sana’y muli kang magising at dating pagsinta’y maibalik nito—
At maalala mo ang pangakong “hindi ako iiwan” na tinaga mo pa sa bato.

Handog ko sa’yo itong tulang aking sinulat.
Laman nito ang iniwan mo sa puso kong pilat.
Ngunit napagtanto kong wala nga pala itong magagawa upang mga mata mo’y muling maidilat—
Nagsayang lang ako ng kapirasong papel at tinta ng aking panulat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kwaderno Ni DodongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon