Karatola

24 3 0
                                    

#AKNDDagli

"'Tay, ano ba! Ang akala ko ba ngayon? Tapos bukas na lang ulit? Pabukas-bukas naman, 'Tay, kailangan ko nang magbayad ng matrikula ngayon. Hindi na 'ko pakukuhanin ng pagsusulit kapag 'di pa 'ko nakabayad ngayon, 'Tay!"

"Anak, alam mo namang kapos tayo ngayon. 'Yung dapat na pang-matrikula mo eh naibili ko kasi ng gamot ng nanay mo. Pasensya na anak baka pwedeng pakiusapan mo muna 'yung mga guro mo."

"'Tay naman eh! Mangutang ka na lang muna o kaya maghanap ka naman kasi ng ibang trabaho. Hindi na nga sapat 'yung kinikita mo sa pagmamaneho ng bulok mong motorsiklo, ayaw mo pang maghanap ng ibang paraan. Tay! Gawan mo naman ng paraan kahit ngayon lang."

"Pasensya na anak 'yun lang kasi ang alam kong trabaho eh. Pero 'wag kang mag-alala gagawan ko ng paraan. Tatanggapin ko na 'yung raket mamayang gabi na inaalok sa'kin nung Tiyo Kaloy mo. Baka bukas makabayad ka na talaga. Pasensya na, anak."

"Osige na nga bukas na lang! Kainis naman. Pasok na HO ako."

Naalala ko 'yung pagbulyaw at pagsumbat ko kahapon kay tatay bago ko pa matagpuan kaninang umaga sa baku-bako at maputik na kalsada na pinagkakaguluhan ng mga gutom sa tsismis na nilalang ang nakahandusay niyang nanlalamig na katawan. Habang may nakapatong sa kanyang dibdib na isang karatola.

Ang Kwaderno Ni DodongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon