Aking Sinulyapan Ang Buwan

15 1 0
                                    


#AKNDTula


Aking sinulyapan ang buwan—

Sa pagnanais na matanaw ang pag-asa—

Pag-asang ipinagkait sa hikahos na bayan.


Aking sinulyapan ang buwan—

Sa pagbabaka-sakaling makuha ang sagot—

Sagot sa pangakong pag-ahon mula sa kumunoy na kinasasadlakan.


Aking sinulyapan ang buwan—

Sa kagustuhang masilip ang liwanag—

Liwanag na ipinagdamot sa dukhang mamamayan.


Aking sinulyapan ang buwan—

Ngunit nabigo akong matanaw ang pag-asa,

Nabigo akong makuha ang sagot,

Nabigo akong masilip ang liwanag,

Dahil maski ang buwan ay nilamon na rin ng kadiliman.

Ang Kwaderno Ni DodongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon