Bulalakaw

26 2 0
                                    

#AKNDDagli

Payapa ang gabi at sariwa ang hangin. Walang humpay sa pagkundap ang mga bituin sa kalangitan. Nakasandal siya sa aking bisig habang pinagmamasdan namin ang mga tala. Hinagkan ko siya ng mahigpit dahil maaaring ito na ang huli. 

Sana'y wala nang bukas, hiling ko sa isang bulalakaw na nagpakita sa kalangitan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, "Mahal na mahal kita Isabel," wika ko. Ngumiti lamang siya at hinalikan ang aking kanang kamay, sapat na upang masabing mahal niya rin ako. Marahan kong inangat ang kaniyang mukha mula sa pagkakasandig sa akin at unti-unting naglapat ang aming mga labi.

Sana'y hindi na matapos ang gabing ito. Sana'y hindi na 'ko magising pa mula sa aking ilusyon.  

Ang Kwaderno Ni DodongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon