CHAPTER 6: BAGAYKAYOZONED

47 3 0
                                    

CHAPTER 6 

ZERKIN

Tinignan ko ang lists ng mga Block C na magiging classmates ko. Kapag sinu-swerte nga naman oh! Ang saya. Classmate ko pa rin si Drey♡ ..at sina Greg at Steven....Teka?? tama ba itong nababasa ko?? Chasey Tan??? What the?? How come? Eh kapag nagshift, automatically back to 1st year ka sa kahit anong course pa yan. Oo nga pala, malakas ang connection at back up niya. Akalain mo ba namang Lolo niya ang may-ari ng school at Tita niya rin ang Dean namin. Kami-kami lang ang may alam niyan. Wala eh malakas ang kapit ng kaibigan namin. Loko talaga yang si Chasey.

Pasukan na namin ng Second Semester ngayong araw, Three days after ng party ko. As usual late na naman si Drey.

"SORRY SIR!!! SIR, SWEAR, 6 AM AKO DUMATING KASO AKALA KO KASI SA ROOM 402 ANG CLASS YUN PALA DITO SA 407! Akala ko nga ako pinakamaaga ngayon. :(("

ang paliwanag ni Drey sa professor namin. Nagtawanan kami pati ang professor namin at napahagikgik sa paliwanag ni Drey. Napasaya na naman niya ang class..at syempre ako! :3

Bilang parusa, nagsigawan ang klase na dapat kumanta siya sa harap ng class. Pati ako na dapat eh kinakampihan siya, ay napahiyaw para marinig ko ang boses niya habang kumakanta. Naiiyak na siya dahil on-the-spot siyang kakanta. Mga one minute bago siya nag-start kumanta.

*COLOR EVERYWHERE by YOUTH ASYLUM"

"Used to see in black and white, never any in between.

Waiting all the love of my life, to come into my dreams.

Everything of shades of gray, never any blues or green.

Needed someone else to turn to, someone who could help me learn and see,

All the beauty that was waiting for me....."

Siya lang ang nakikita ko sa paligid. Ang boses niya, in-absorb ng brain and heart ko. Kahit papaano naka-relate ako sa kinakanta niya. Siya ang nagbibigay ng kulay sa buhay ngayon. Napansin ko nagiging korni na ako kapag siya ang topic. xD. Maganda pala ang boses niya. Mahiyain lang talaga siya at walang tiwala sa kanyang sarili.

"You..you put blue back in the sky,

You put the rainbow in my eyes.

A silver lining in my prayer now,

There's color everywhere..."

Sana man lang, yan ang marinig ko kapag siya ang naging girlfriend ko. HAHA. Malabo. Hindi ko nga masabi itong nararamdaman ko sa kanya tapos pagiging bf niya pa iniisip ko? Wake up, Zerkin. T.T

You..you put red back in the rose.

Just when needed you the most.

You came along to show you care

There's color everywhere. >,<

Kainis. Nagugustuhan ko na siya ,lalo ngayong kumanta pa siya :")

"*Wow! *CLAP*CLAP*CLAP"......

nagpalakpakan ang mga tuwang-tuwa naming blockmates. Syempre to show my love, tumayo ako at ngumiti sabay palakpak sa kanya. Hayun nadaanan niya ako ng tingin at napangiti rin. Ang saya.

Pinaupo na siya ng professor namin sa bandang 3rd row at katabi ng bintana. Yes. Ako lang naman ang nasa likod ng seat niya. SWERTE. Katabi niya si Greg na madalas niyang makasagutan at lagi silang nagpipikunan. Ang nasa harap na seat ni Drey ay si Steven. Ang katabi ko pala ay si Chasey na busy sa pagse-cellphone niya. Umiitim nga ako kapag katabi ko 'tong kaibigan namin kasi naman sobrang kinis at puti. :) Si Chasey ang apple of the eye ng mga lalaking classmates namin. Ang sasama nga ng tingin nila sakin eh. HAHA.

She's Inlove With The HBsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon