CHAPTER 11
DREY
Hindi ako nakatulog buong gabi. Parang inulanan ng missiles kagabi itong puso ko. Ano bang nangyari kagabi? Nagtext si Chasey at na-receive ko ang gm niya. Duh, gf ako ni Zerkin tapos proud pa siyang mag-gm ng ganung text?
"Im so happy. We're here sa fountain park with Zerkin. :)"
Sino namang tangang gf ang dededmahin ang ganitong text?? Syempre para makasigurado, nagpasama ako kay Greg na pumunta sa Fountain Park. Kampante naman ako baka dahil sa groupworks nila at baka nagsu-survey sila dun. Balak ko ngang i-treat sila after namin silang puntahan at mag-enjoy sa foodtrip. May tiwala ako kay Zerkin kaya mali lang tong iniisip kong merong something's fishy. Akala ko nga napaparanoid na naman ako kaya tinanggal ko sa isip ko ang word na HINALA. :) Pagdating namin dun ng hindi kalayuan sa kinatatayuan nila, may nasulyap ako. Maggagabi na nun at malabo ang mata ko nung time na yun. Namukhaan ko ang likod ni Chasey. Nakatalikod si Chasey na parang naka-tip-toe at nakawak sa arms nung lalaki. Papalapit na kami sa kanila nang mamukhaan ko na ang lalaki ay si Zerkin...at tinitigan kong mabuti ---kissing scene na pala ang nagaganap. Ang tanga ko! Hindi ko man lang ba napansin na naghahalikan na sila? At bakit hindi ko sila pinigilan? To the highest level na ba ang katangahan ko?? Grabe. <|||3
Nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Both of them were assholes! I hate them! I need to ditch this place. Hindi ko na kinaya ay tumakbo ako papalayo sa kanila habang si Greg ay hinabol ako. Nang napansin kong malayo na ako sa kissing scene ng mga asungot na yun, ay binagalan ko ang lakad ko, yumuko at nakatulala. Hinawakan ko yung mukha ko at napansin kong basang basa na at tumutulo na pala ang luha ko sa magkabilang mata ko. Natawa na lang ako dahil umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan. Ang saklap naman ng first part ng love story ko. Tuloy tuloy pa rin ang paglalakad ko kahit nanghihina ako sa nasaksihan ko. Buti na lang nasa likod ko si Greg mga 3 feet kalayo at nakabulsa ang magkabilang kamay niya. Binilisan niya ang lakad niya at nilapag niya sa balikat ko ang panyo niya at tuloy tuloy na naman siya sa paglalakad na parang di niya ako kilala. At ngayon ay ako na ang nasa likod niya habang naglalakad kami. Kahit ganito si Greg, ang bait niya pa rin kung tutuusin. Sinamahan niya akong maglakad pauwi sa amin kahit sobrang malayo --eh kasi I'm effin depress kaya napa-walkathon ako, kasama si Greg. Pagkauwi namin, binatukan akon ni Greg.
"Grabe ang tibay mo maglakad. :)"
ang sabi niya habang halatang napagod at humihingal sa pagsama sakin. Natahimik na lang siya nang hindi ako nag-react sa ginawa niyang pagbatok. Dahil ang tahimik ko, nagpaalam na lang siya na uuwi na sa kanila.
"Itext mo ko kapag kelangan mo ng kasama sa pagwo-walkathon mo ulit. HAHA.xD
Seryoso ako. :))"
kahit alam na nga niyang nadedepress na ako sa time na yun eh umiepal pa siya. Edi siya na ang matiyaga sa tulad ko! ;,,( Buti na lang may kasama ako kapag depress. Nagmumukmok lang ako sa kwarto ng gabing iyon at hindi na ako kumain ng dinner. Inisip ko ang panloloko nila sakin. Hindi ko masikmura.
●●●
Kinaumagahan, ginising ako ng kuya ko, si kuya JM- short for John Marc. May pasok ako ng 7:30 am pero ang sabi ko lang ay sa next subject na lang ako papasok. Nakahilata lang ako sa kama na parang patay. After ilang hours, bumalik na naman ang kuya ko. Ang sabi ko masakit at parang nilalagnat ako pero sa totoo lang, wala akong sakit at ayoko lang pumasok lalo't kapag nakita ko pa ang mga HANGAL na iyon. Wow maka-HANGAL naman ako, parang sa mga teledramang script ng kontrabida. Paalis na si kuya dahil may pasok pa siya. Second year college ng SEA. Matangkad at may pagka-chubby konti. Syempre may hawig kami-- pogi yan kasi nga may hawig di ba(I'm pretty). :) Pagkababa niya ay sumigaw siya.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With The HBs
Storie d'amoreThe story is all about the title itself- Heartbreakers. <|3 Ang isang normal college freshman student ng Clover University ay late sa first class ng unang araw ng pasukan. Nakasagutan niya ang lalaking binansagan niyang 'Mr. Epal'...