CHAPTER 14
ZERKIN
"Hello? Greg? Kamusta si Drey?"
ang tanong ko kay Greg na para bang walang nangyaring sagutan sa school. Siguro alam niya kung nasaan na si Drey pagkatapos ng break-up namin. <|||3
"Ah..si Drey. Ayun like other girls tuwing break-ups, umiiyak pa rin daw siya sabi nila Felix."
ang sagot niya sa akin. Para naman nangongonsensya siya, pero may point siya. Ako nga ang nagpa-iyak kay Drey.
"Pare, ano bang maling ginawa ko? practice lang yun. ano bang malay ko at magagalit bigla si Drey?"
ang nangangambang tanong ko at may konting pagmamalinis sa sarili.
"Pre. Ikaw makasasagot diyan....., gf mo ba si Chasey para halikan?"
ang tinapon na tanong niya sa akin. Napa-isip ako and I grinned.
"Hindi."
ang sagot ko at parang naiintindihan ko na. :(
"Isipin mo. Anong mararamdaman mo kapag may humalik sa girlfriend mo? Galak na galak ka sa tuwa dahil naturuan siyang humalik?? Ano? Tapos Ico-congrats mo pa sa nangyari?Ganun yun, pre."
ang paliwanag ni Greg. Natamaan ako sa mga sinabi niya. Dapat ilagay ko rin ang sarili ko sa kalagayan at nararamdaman ni Drey sa nangyari.
"H-hindi, syempre. Magagalit ako, lalo na sa humalik sa kanya at dahil pumayag siyang magpahalik."
ang sagot ko. Hindi ko napansin na ang sagot ko ay parehas sa ginawa ni Drey. Nagalit siya sa akin dahil pumayag ako at nagalit rin siya kay Chasey dahil siya ang humalik sa akin. AWW. I'M SORRY DREY. I UNDERSTAND NOW.
T.T
"Siguro naman naiintindihan mo na. Sige, pre. Tatapusin ko pa yung pag-polish ng thesis."
ang paalam ni Greg sa akin sabay pinatay niya ang tawag.
I need to do something para mag-sorry kay Drey. Dahil sa akin, kaya nagkaganun siya.
•••
DREY
"I'm okay na. As in. See? nakangiti na ako. I need to start my life without him. I'm strong. I'm happy for Chasey dahil na-realize kung tama siya. Sa kanya mas sasaya si Zerkin."
ang bulong ko. A LIE. Lahat ng ito ay opposite. I'm not okay. As in. See? umiiyak ako. I can't live without him kahit sabihin pang oxygen ang pinaka-physiologic need ko para mabuhay. I'm so weak. I'm not happy dahil si Chasey pa ang babaeng pinili niya kesa sa ibang mas deserving kumpara sa hypocrite na yun. ;,,(( <\\3
Nandito ako sa attic para magmukmok. Alam ni kuya na may pinagdaraanan ako sa puchek na lovelife ko. Sinasabi ko lang na okay ako para hindi ako makaabala sa pagrereview niya dahil malapit na exams niya. Nakaupo lang ako sa old bench na katabi ng window kung saan kitang kita ang magandang liwanag ng buwan at stars. Habang nakatingin ako sa labas, may narinig akong nahulog na kung ano sa likod ko. Tinignan ko kung ano. Nakita ang kalendaryo na may mga nakasulat. Nabilugan ang December 15. Inisip ko kung anong meron sa date na yun. Napangiti na lang ako dahil birthday pala ng daddy ko bukas. Nangalkal ako sa mga old boxes at nahanap ko ang family picture namin. Baby pa ako sa photo na dala-dala ni mama. Mga 28 or 29 na siguro si papa at mama dito. Ang cute namin. May nakita rin akong old piles ng lumang dyaryo. Nang mag-uumpisa na akong magbuklat ay bigla akong tinawag ng kuya ko ng pasigaw galing sa ground floor.

BINABASA MO ANG
She's Inlove With The HBs
RomanceThe story is all about the title itself- Heartbreakers. <|3 Ang isang normal college freshman student ng Clover University ay late sa first class ng unang araw ng pasukan. Nakasagutan niya ang lalaking binansagan niyang 'Mr. Epal'...