CHAPTER 16
Zerkin's POVs
Natapos rin sa wakas ang mga pabigat na requirements. Dugo't pawis ang inalay namin, at kahit ako na broken hearted nang panahon na iyon. Napabilib ng grupo ni Hailey ang buong klase ng araw ng defense. NAIINLOVE ako lalo dahil beauty and brain pala siya.
Nakita ko rin sa Dean's List na kasama siya sa Top 30 nung First Semester.
I'm so proud. GF KO 'TO GRABE!! :)
Pagkatapos ng week ng defense namin (at ng panlilibre ni Steven), naisip kong i-date si Hailey. Ang tagal rin naming naging busy at konti lang ang communication at bonding namin. Namimiss ko na rin ang kakulitan at tantrums niya.
Tinext ko siya na magkita kami sa Train Station malapit sa bilihan ng mga surplus and furniture.
Me: Hi my loves Hailey! :* Tara labas tayo. Miss na kita eh. ♡
Drey: Awwtsu this. Miss na rin kita! :"") :*Sige san ba tayo kita? :))
Me: Sa puso ko. djk. Sa Train station lang. Hintayin kita ha. :)
Drey: Ahyshyet Corn Field! Sige kita na lang tayo hon.
Me: Awtsuuu. Corn field daw??;(( Sige I'll wait for you. Kahit maabot pa ng light years. :"">♡"
Drey: Keydot. Cornfield na sobra! HAHA. jk. I Love you. ♡♡♡
Natapos ang korni naming textan. Ang saya saya ko at excited na pumunta sa meeting place. Nag-order ako sa isang resto ng mga to go na foods para may dadalhin kami sa pupuntahan namin. Nagdala rin ako ng Instaxmini at na-full charge ko na rin ang Cellphone ko para in case lang, may nakareserve na pangpicture. Alam ko. Hindi naman masyadong prepared no?! :) Nakasuot na rin ako ng simpleng damit na may collar at mustard na kulay ng pants at sneakers lang. Nako-conscious ako sa suot ko pero ayos lang dahil alam ko namang bagay ko ang kahit ano dahil pogi ako. HAHA.
Nilakad ko papuntang train station kasama ng mga dala ko habang energetic ang galaw at posture ko. Nadaanan ko si Greg na may dalang inumin at nginunguyang tinapay habang may parang hinihintay sa music store.
"Hoy pre, san punta mo?" ang sabi ko habang tumango ako ng konti.
"Wala tumatambay lang dito. Naghahanap ng chicks pre.:)"
"Naks. Himala atang nahihilig ka na sa chicks?!:)) sige una na ako." ang sabi ko at hahakbang na sana pero nagsalita si Greg.
"Teka pre. May ipapakita lang ako sayo." ang sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Naglakad siya sa isa pang store kung saan puro Fashion trends ang laman. Nag-wave siya sa glass ng store para makita siya siguro. May lumabas sa pintuan. Dahil kinabahan ako, napagilid ako at nagtago at sumilip na lang ako. Mga 10 feet ako kalayo sa kanila. Naaninag ko si Chasey--ang lumabas sa pinto.
"Kamusta? Napadaan lang ako dito eh. " ang tanong ni Greg kay Chasey.
"I'm good. Tara sama ka sa loob. Treat ko."
"Salamat na lang may gagawin pa ako. Kamusta naman ang PLANO MO KINA ZERKIN AT DREY?"
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala ah. Bintangero ka na ngayon Greg.HAHA."
"Wag ka ng magkaila. Basang-basa ko ang ugali mo. Umamin ka na tayong dalawa lang ang nag-uusap."
"Tss. Okay fine. Gusto mo malaman? Sige sasabihin ko sayo. Ongoing pa lang ang mga plano ko para mapasaakin si Zerkin at mawala si Drey sa love story ko. Bawat galaw ko ay planado. Kahit hindi man successful, at least marami pa akong plano para tibagin ang pagsasama nila. Ano masaya ka na?"
BINABASA MO ANG
She's Inlove With The HBs
Storie d'amoreThe story is all about the title itself- Heartbreakers. <|3 Ang isang normal college freshman student ng Clover University ay late sa first class ng unang araw ng pasukan. Nakasagutan niya ang lalaking binansagan niyang 'Mr. Epal'...