ANYARE DUN?

1.7K 36 4
                                    

CHAPTER 4


BRIAN

Huh? Anyare dun? Bigla na lang tumakbo matapos dumaan si papa Zein ko.

FLASHBACK

Kasama ko ngayon si Sheimukaka sa canteen. "Mauna ka nang umorder. Bilis na, libre ko." sabi ko sa kanya.

"Ay! Wag na po Brie. Ako nalang ang bibili. Nakakahiya naman sa 'yo."

"Ano ka ba! Minsan lang kaya ako manlibre. Bilis! Pili na!"

"O sige..." nahihiya niyang sabi. "Pero, mauna ka na. Nakakahiya naman kung ikaw ang panghuli eh."

"O sige na nga. Bahala ka." sagot ko sa kanya.

Hindi pa ako nakakaorder eh biglang kumabog nang napakalakas ang heart ko dahil sa hindi malamang dahilan. Sino kaya ang parating?

Oh my god! Paparating na ang prince charming ko! My goshness! Anong gagawin ko?

Lipgloss? Check.

Pulbo? Check.

Nakapagsuklay? Check.

Nakapagcologne? Check. 

Nakapagdeodorant? Check.

Nakatoothbrush? Check.

Ten.

Nine.

Eight.

Seven.

Six.

Five.

Four.

Three.

Two.

One!

"Hi Brian." tugon niya sabay ngiti. Ay! Kinikilig ako! Waaah!

"H-hi Zein! Ummhh, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Kakatapos ko lang kumain. Teka," kinapkap niya ang bulsa niya. "May nakalimutan pala akong kunin. Sige, mauna na ako. Bye" sabi niya sabay kindat sa akin.

Ahh! Para na akong sasabog sa kilig!

Nabigla ako nang tumakbo si Sheimukaka palayo.

Anong problema niya? Wag niyo nga akong tanungin! Hindi ko alam! At ngayon na "friends" na kami ni Sheimukaka, sinundan ka siya. Ano ba naman 'yan. Umaalis lang siya ng walang paalam. Habang tumatakbo akong papunta sa kanya, nakasalubong ko si Jain. She gave me a look that says 'where are you going?'. I just gave her a quick smile and she seemed to understand it naman kaya hinanap ko na si Sheimukaka.

Hanap...

Hanap...

Hanap...

Hanap...

Nasaan na ba siya?

Hanap sa kaliwa... Hanap sa kanan...

Ah! Alam ko na! Sigurado akong nandon na naman siya sa ladies room.

Once again, may narinig na naman akong kumakanta. See? Tama ako. Nakinig ako pero this time, di na ako natakot.

 Nakinig ako pero this time, di na ako natakot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon