WORDS

1K 26 0
                                    

BRIE

“Pero Brie, hindi naman maganda ang meaning nang kantang 'yan eh. Medyo hindi bagay sa theme kasi yung love, di ba pagmamahalan 'yon?”

“Oo nga Sheimaeka. Pero di ba, sa love, may agawan din ng minamahal? Pwede 'yon. Para maiba naman yung atin kesa sa typical perception ng love.” Bakit ba ayaw pumayag ng babaing to?

“Pasensya na pero di ko talaga feel yang kantang 'yan. Maraming bad words. Pag nakinig ang principal natin, hay nako, mapupunta talaga tayo sa principals office.”

Naiinis na talaga ako ha! Bakit ba ayaw pa mag agree ng pangit na’to? Pangalawang beses na to ha. Hindi na naman matutuloy ang plano ko. Pero, sige na nga lang. May point din naman siya. Ayaw kong mapunta sa principals office no. Malinis pa kaya ang record ko. Palalampasin ko na lang ang revenge ko ngayon.

“Sige na nga. Pero ano naman ang kakantahin natin? Two weeks na lang kaya yung natirang time. Dapat nating bilisang pumili.”

“Teka po, meron kasi akong narinig na kanta sa bahay. Binili 'yon ni mommy ng nakaraan. Gusto niyo po pumunta tayo sa bahay ko mamayang hapon para hanapin 'yon?”

Baliw ba tong babaing to? Close ba kami? Hay nako, Napaka-feeler talaga. Bakit ako pupunta sa bahay nila? “Okay, anong oras?” Oh my gee! ano ang pinagsasabi ko?!

Ngumiti siya tapos nagparamdam na naman ang sakit na hinawa niya sa akin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba 'yan! Chaka!

“Mabuti naman po pumayag kayo. Mamaya po mga 5 ng hapon. Pagkatapos ng specialization.”

What have I gotten myself into?

.

.

.

.

.

.

.

AFTER SCHOOL

“Hali ka na po.” Anang Sheimaeka.

Malapit na kami sa bahay nila ng may asong humabol sa amin. Hinila ni Sheimaeka ang kamay ko para makatakbo kami ng mabilis. Oh my gosh! Bakit parang nakukuryente ako?!

“Wheeeew! Muntikan na tayo dun ah!” Sabi niya habang tatawa-tawa.

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Sheimaeka, ano ba ang ginagawa mo sa akin?

“Eto po 'yon oh.”

She played the song. Love song ba talaga dapat? Hay nako.

Kumanta kanta siya habang nakikinig. Ako naman, tinitignan ang mga litrato nila ng family niya sa pader. Sa sulok malapit sa TV nila, ay litrato ng isang babaeng petite na may hawak na baby. Maganda ang babae pero hindi sila hawig ng baby. Sa caption sa ilalim, nakalagay ang katagang ‘Mommy Lezzy and baby Sheimi'.

Sheimi? 'Yon ba ang nick name niya? Mommy niya ba talaga yung babae sa picture?

Natapos ang kanta ng hindi ko namamalayan. Ang alam ko lang, love song 'yon. It’s like the two persons were saved by each others’ love. Mamaya ko na lang 'yon tatanungin sa kanya. Meron akong gustong malaman about sa picture.

“Sheimaeika, ikaw ba to? Mommy mo ba 'yan?”

“Oo. Si mommy 'yan.” She told me while looking at the woman in the picture lovingly.

“Eh, bakit hindi kayo magkamukha?”

“Ah, kasi magkamukha kami ni daddy.”

Daddy? Eh bakit wala akong nakita kahit isang picture ng daddy niya dito?

I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon