UNLI RICE

587 17 1
                                    

Sheimaeka

Friday

Tatawagin ko ba, o hindi na lang? Oo, o hindi? Yes or no? Bahala na nga!

“Brian! Teka lang po.” nako, ano ba naman ‘yan! Bakit naman nag-bublush na agad ako? Ayy! Nakakainis!

“O, Sheimaeka? Bakit nandito ka pa? Kanina pang 4:00 pm ang uwian ah. 6:30 na.” sabi niya sabay tingin sa relo.

“Kasi po kuya, about doon sa composition… sorry nga po pala na hindi ako masyadong nakatulong sa inyo.” hindi ko na lang sinabi na kanina ko pala talaga siya hinihintay. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit kailangan ko pa siyang hintayin para lang sabihin ‘to sa kanya. Pwede namang sa Monday na lang eh.

“Nako, wala ‘yun Shei.” ngumingiti niyang sabi na para bang may iniisip sabay titig sa akin. Yung titig na may ibig sabihin. Ang problema nga lang, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng titig na ‘yun.

P-pero, bakit parang bumilis ata ang tibok ng puso ko?

“But wait, hindi pala ok ‘yun. Hindi ka yata tumulong sa akin kahit isang line.” sabi niya. Eh paano ba naman ako makakatulong kung hiyang-hiya ako sa kanya at isa pa, para naman siyang typewriter magsulat eh. Ayaw paawat. Hindi ako makabigay ng opinyon.

“Paano po ba ako makakabawi sa inyo?” tanong ko naman.

“Date tayo.” W-what?!

Feeling ko parang nabulunan ata yung itsura ko kasi bigla siyang humagalpak ng tawa. Ano ba ‘yan! Joke ang pala?!

“Hahahaha! Ano ka ba? Kakain lang tayo ‘no! Bakit parang mamatay ka ata?” tatawa-tawa nitong sabi.

“Hahaha! Joke lang pala ‘yun Brian? Akala ko totoo eh.” pabiro ko ring sabi. Pero, bakit parang naghihinayang ako?

“Halika na.” sabi niyang pangiti sabay hila sa kamay ko. Sa kamay ko. SA KAMAY KO.

Ano baaaa! Bakit kinikilig ako?! Punyet naman oh!

Pagkatapos naming makalabas ng eskwelahan ay sumakay kami ng dyip. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Ano ba Briaaan! Nagiging lalaki na ba kayo? Bakit niyo ba ginagawa ‘to?! Kinikilig kaya ako! Tama na po please!

Napansin niya atang tinitignan ko pa rin ang mga kamay naming magkahawak. Bigla siyang bimitaw. Pagkatapos noon ay nagsisisi ako kung bakit ko pa hiniling na ‘wag na siyang humawak sa kamay ko.

Waaaaaaahh! Bakit ko pa kasi hiniling ‘yon?! Nakakainis naman ako!

***

Bumaba kami sa harap ng SM City. Nako, ang rami yatang pera nitong si Brian. Parang mamahalin ang ipapakain sa akin eh. Sa tabi ng Mall ay may carnival. Pyesta kasi dito sa amin ngayon kaya may mga rides.

“Shei? Ok lang ba kung gagabihin ka?” tumingin ako sa kanya.

“Bakit po? May plano po ba kayong gabihin ako?”

“Medyo. Hahaha.” tumingin rin siya sa carnival. “Parang may iba ka pa kasing plano except kumain eh.”

Nabasa nya bang may plano akong magcarnival?

“Pero, kain muna tayo. Gutom na kasi ako eh.”

***

Naparami ang kain ko. Nakatatlo akong unli rice. Paano ba naman, eh itong si Brian sa Mang Inasal ako dinala. Siyempre we have to savor the moment! Minsan lang kaya ako maka-experience ng libre. Wala naman kasi ako masyadong kaclose sa eskwelahan. Si ate Jain lang talaga ang kumakausap sa akin sa school.

I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon